"Kuya makikisindi"
Iniabot ko ang hinihithit na sigarilyo.
"HAHAHA!!" malakas na tawang nagpalingon sa'ken.
"Kuya naman eh,lighter. Kandila ang sisindihan ko!" tumatawang paglilinaw ng babae.
"Mag-isa ka lang?" tanong nya.
"Hindi kasama kita di ba?" pakwela kong sagot.
"HAHA!!"
Ang lakas nya talagang tumawa. Pero hindi naman ito makabawas sa kanyang
ganda,lalo nga lang umaaliwalas ang kanyang mukha sa tuwing lumalabas
ang kanyang mapuputing ngipin. Malamyos ang tinig,malamig na parang
musika ang likha ng kanyang pagtawa. Parang paghele lang ng mapagmahal
na nanay sa inaantok nyang bunso. Parang aksidenteng pana lang ni kupido
sa puso ko,walang takas PRAMIS SAPUL AKO!!
"Eh ikaw ba?" patanong kong sagot.
"Galing pa kasi akong opis,alam mo na triple pay. Pero on the way na daw
sila eh" .. Pagtutukoy nya marahil sa mga kasama nya. Pero wala naman
akong pake,mas masarap titigan ang mukha nya kesa makinig sa mga
pinagsasabi nya.
"Ah!" dyeta kong sagot.
"Im Jessa" lahad nya ng kanang kamay at sa kaliwa'y isinosoli ang hiniram na lighter.
"Zaragosa? Im Dingdong Avanzado" nakangisi kong tugon..
"AHAHAHA!!"
Nambulabog na naman ang malakas niyang pagtawa. Hindi ko na din
napigilan,baduy ng pigilin ang kilig.Nakitawa na din ako. Hindi na
machong itago ang saya!!
Nagpaligsahan kame sa pagbandera ng mga ngipin,buti na lang nagtoothbrush ako bago umalis ng bahay..
"Seryoso, Dingdong nga?" siya...
"Joke lang,RJ ang name ko" ako...
"Alam mo nakakatuwa ka!!"
"Alam mo nakakainlab ka" deep inside ay nais kong sabihin....
"Sino yan?" suway ko sa isipan at nginuso ang kaharap na puntod ng kausap.
"Ah Mama ko,wala pa siyang one year namamatay,last february lang" sumeryosong sagot niya.
"Kaya pala parang ngayong undas lang kita nakita ditO" sagot ko naman..
Kung nuon pa sana edi....
idudugtong ko pa sana kaso baka ibang isipin nya,akalain pa nya na minadali kong matodas ang ermats nya,hehe!!
Sa halip ay naupo na lang ako sa tagiliran ng puntod ng lola ko.
Ngayon ay halos magkaharapan na kame,face to face. Ultimo kisap-mata nya'y hindi makakatakas sa akin!!
"Naniniwala ka sa love at first sight?" mala - papa jonh lloyd kong tanong.
"Dito? Sa sementeryo?? HAHAHAHA!!" tumatawa na naman ang walangya.
Akmang manghahampas pa na mabilis kong iniwasan,dahilan upang mawalan
sya ng balanse at mapatuon sa aking mga hita. Parang romantic scene lang
sa romantic movie. Parang nadidinig ko pa nga ang romantic music
background eh,at habang nag-aangat sya ng paningin pataas papunta sa
aking mukha,SLOW MOTION pramis!! At hanep lang sa special effects na
hanging humawi sa bangs nyang tumataklob sa mukha nyang hugis puso.
Walang matabang baklang sisigaw ng CUT!! Ako ang director ng MAGIC
MOMENT na ito.
Hahawakan ko sana ang kanyang mukha,maganda ng panimula para sa isang romantic kissing scene,nang "SORRY"
"Uy!!" basag nya sa natigilang si ako.
"Uy!! Ikaw kasi" bumabalik sa katinuang si ako,SAYANG TSK!
Naupo siya sa tabi ko at pagkatapos ay napatingin sa papalubog na araw.
"Mahiwaga ang buhay ng tao nu? Puno ng misteryo. Gaya ng paglubog at
muling pagsikat ng araw,ang tao darating at aalis. Pero sana gaya ng
sunset at sunrise,
sana aware tayo kung kelan mawawala ang taong mahalaga saten,para kahit sa huli,masabi mo man lang kung gano mo sila kamahal"
May sincere side naman pala siya,siguro hindi pa nakakamove-on sa pagkamatay ng ina.
"Oo mahiwaga ang mabuhay sa mundong ito,punong puno ng surpresa at
misteryo. Pero yan yung exciting part ng mabuhay eh,may thrill,may
suspense" mala Bob Ong kong eksplanasyon at pasimpleng hinawakan ang
kanyang kamay.
Napatingin siya saken,nagkatitigan kame. Hindi ko maintindihan pero may lungkot sa kanyang mga mata.
Nilapit ko ang aking mukha,determinadong ituloy ang napurnadang romansa
kanina ngunit biglang nagring ang kanyang telepono,saglit din lang
naglapat ang aming
mga labi. Sinenyasan pa nya ako na tumahimik daw, "Malapit na kayo?" dinig kong sabi nya sa kausap.
"Andyan na daw sila" at bumalik na sya sa puntod ng Mama nya.
"Mooommmyy!" sigaw ng tumatakbong batang babae. Kung nagkataong pareho
kameng babae ni Jessa,baka malito pa ako kung sino ang tinatawag na
mommy ng bata.
Nagyakap ang mag-ina ng magkalapit ang mga ito. "Namiss ko ang
baby ko,hmm bango. Si daddy?" "Kasabay ni lolo,nahanap siguro ng
mapaparkingan" sagot ng bibong bata.
Nagkatinginan kame ni Jessa. Nagkibit sya ng balikat at tumungo,nabasa
ko pa ang "sorry" na mahinang binuka lang ng kanyang bibig.
Sana gaya ng sa mga tao,
meron ding sementeryong pwedeng paglibingan ng nasawing pag-ibig.
Meron ding ginintuang lapida na nililimbagan ng mahalagang petsa ng
pagmamahalan,may puntod na taon-taon pwedeng balikan at pwedeng iyakan.
"Paalam Jessa"
"Oh bakit ka bumubulong?" nakangiti ngunit malungkot nyang habol,nadinig pala ako.
"Sino yun hon?"
"RJ si E-rik a-sa-wa ko" halos nauutal nyang pagpapakilala samen.
"Ah nice meeting you pre,una na nga pala ako,pakibantayan na lang si lola ha,baka makaalis hehe" nakuha ko pang magbiro.
Misteryoso at puno ng surpresa talaga ang buhay,
Mapagbiro ang tadhana..
Lilingon pa sana ako para muli,kahit sa huling pagkakataon ay sulyapan si Jessa pero pinilit kong wag na lang.
-fin-