Saturday, November 3, 2012

Undas (A Horror Story,Joke Lang)

"Kuya makikisindi"

Iniabot ko ang hinihithit na sigarilyo.

"HAHAHA!!" malakas na tawang nagpalingon sa'ken.

"Kuya naman eh,lighter. Kandila ang sisindihan ko!" tumatawang paglilinaw ng babae.

"Mag-isa ka lang?" tanong nya.

"Hindi kasama kita di ba?" pakwela kong sagot.

"HAHA!!"

Ang lakas nya talagang tumawa. Pero hindi naman ito makabawas sa kanyang ganda,lalo nga lang umaaliwalas ang kanyang mukha sa tuwing lumalabas ang kanyang mapuputing ngipin. Malamyos ang tinig,malamig na parang musika ang likha ng kanyang pagtawa. Parang paghele lang ng mapagmahal na nanay sa inaantok nyang bunso. Parang aksidenteng pana lang ni kupido sa puso ko,walang takas PRAMIS SAPUL AKO!!


"Eh ikaw ba?" patanong kong sagot.

"Galing pa kasi akong opis,alam mo na triple pay. Pero on the way na daw sila eh" .. Pagtutukoy nya marahil sa mga kasama nya. Pero wala naman akong pake,mas masarap titigan ang mukha nya kesa makinig sa mga pinagsasabi nya.


"Ah!" dyeta kong sagot.

"Im Jessa" lahad nya ng kanang kamay at sa kaliwa'y isinosoli ang hiniram na lighter.

"Zaragosa? Im Dingdong Avanzado" nakangisi kong tugon..

"AHAHAHA!!"

Nambulabog na naman ang malakas niyang pagtawa. Hindi ko na din napigilan,baduy ng pigilin ang kilig.Nakitawa na din ako. Hindi na machong itago ang saya!!
Nagpaligsahan kame sa pagbandera ng mga ngipin,buti na lang nagtoothbrush ako bago umalis ng bahay..

"Seryoso, Dingdong nga?" siya...

"Joke lang,RJ ang name ko" ako...


"Alam mo nakakatuwa ka!!"

"Alam mo nakakainlab ka" deep inside ay nais kong sabihin....


"Sino yan?" suway ko sa isipan at nginuso ang kaharap na puntod ng kausap.


"Ah Mama ko,wala pa siyang one year namamatay,last february lang" sumeryosong sagot niya.


"Kaya pala parang ngayong undas lang kita nakita ditO" sagot ko naman..


Kung nuon pa sana edi....
idudugtong ko pa sana kaso baka ibang isipin nya,akalain pa nya na minadali kong matodas ang ermats nya,hehe!!

Sa halip ay naupo na lang ako sa tagiliran ng puntod ng lola ko.
Ngayon ay halos magkaharapan na kame,face to face. Ultimo kisap-mata nya'y hindi makakatakas sa akin!!







"Naniniwala ka sa love at first sight?" mala - papa jonh lloyd kong tanong.

"Dito? Sa sementeryo?? HAHAHAHA!!" tumatawa na naman ang walangya. Akmang manghahampas pa na mabilis kong iniwasan,dahilan upang mawalan sya ng balanse at mapatuon sa aking mga hita. Parang romantic scene lang sa romantic movie. Parang nadidinig ko pa nga ang romantic music background eh,at habang nag-aangat sya ng paningin pataas papunta sa aking mukha,SLOW MOTION pramis!! At hanep lang sa special effects na hanging humawi sa bangs nyang tumataklob sa mukha nyang hugis puso. Walang matabang baklang sisigaw ng CUT!! Ako ang director ng MAGIC MOMENT na ito.
Hahawakan ko sana ang kanyang mukha,maganda ng panimula para sa isang romantic kissing scene,nang "SORRY"



"Uy!!" basag nya sa natigilang si ako.

"Uy!! Ikaw kasi" bumabalik sa katinuang si ako,SAYANG TSK!


Naupo siya sa tabi ko at pagkatapos ay napatingin sa papalubog na araw.


"Mahiwaga ang buhay ng tao nu? Puno ng misteryo. Gaya ng paglubog at muling pagsikat ng araw,ang tao darating at aalis. Pero sana gaya ng sunset at sunrise,
sana aware tayo kung kelan mawawala ang taong mahalaga saten,para kahit sa huli,masabi mo man lang kung gano mo sila kamahal"

May sincere side naman pala siya,siguro hindi pa nakakamove-on sa pagkamatay ng ina.


"Oo mahiwaga ang mabuhay sa mundong ito,punong puno ng surpresa at misteryo. Pero yan yung exciting part ng mabuhay eh,may thrill,may suspense" mala Bob Ong kong eksplanasyon at pasimpleng hinawakan ang kanyang kamay.



Napatingin siya saken,nagkatitigan kame. Hindi ko maintindihan pero may lungkot sa kanyang mga mata.
Nilapit ko ang aking mukha,determinadong ituloy ang napurnadang romansa kanina ngunit biglang nagring ang kanyang telepono,saglit din lang naglapat ang aming
mga labi. Sinenyasan pa nya ako na tumahimik daw, "Malapit na kayo?" dinig kong sabi nya sa kausap.


"Andyan na daw sila" at bumalik na sya sa puntod ng Mama nya.


"Mooommmyy!" sigaw ng tumatakbong batang babae. Kung nagkataong pareho kameng babae ni Jessa,baka malito pa ako kung sino ang tinatawag na mommy ng bata.
Nagyakap ang mag-ina ng magkalapit ang mga ito. "Namiss ko ang baby ko,hmm bango. Si daddy?" "Kasabay ni lolo,nahanap siguro ng mapaparkingan" sagot ng bibong bata.


Nagkatinginan kame ni Jessa. Nagkibit sya ng balikat at tumungo,nabasa ko pa ang "sorry" na mahinang binuka lang ng kanyang bibig.













Sana gaya ng sa mga tao,
meron ding sementeryong pwedeng paglibingan ng nasawing pag-ibig.
Meron ding ginintuang lapida na nililimbagan ng mahalagang petsa ng pagmamahalan,may puntod na taon-taon pwedeng balikan at pwedeng iyakan.


"Paalam Jessa"


"Oh bakit ka bumubulong?" nakangiti ngunit malungkot nyang habol,nadinig pala ako.

"Sino yun hon?"


"RJ si E-rik a-sa-wa ko" halos nauutal nyang pagpapakilala samen.




"Ah nice meeting you pre,una na nga pala ako,pakibantayan na lang si lola ha,baka makaalis hehe" nakuha ko pang magbiro.





Misteryoso at puno ng surpresa talaga ang buhay,



Mapagbiro ang tadhana..





Lilingon pa sana ako para muli,kahit sa huling pagkakataon ay sulyapan si Jessa pero pinilit kong wag na lang.







-fin-

Thursday, October 18, 2012

Si Happiness at ang utol n'yang si Love









                                            Ano ba ang HAPPINESS?? 

 Bakit ang daming naghahanap dito? Saan nga ba ito matatagpuan? Bakit tila madalang ata ang nakasumpong??

                                                 Happiness!! Happiness!!

 Ano ba'ng hiwaga ang iyong taglay at ang lahat ay nagnanais na ikaw ay makamtam??

                                               Happiness!! Happinees!!

Tao ka ba? Pangalan mo pa lang,kaakit-akit na. Hindi nakakapagtakang ang lahat ay magnasa sa iyo!! O isa ka'ng bagay,im sure mahalaga ka.. Ga'no ka ba kahalaga sa buhay ng isang tao?? Kelangan ba talagang makapiling ka,hindi ba pwedeng pagbigyan mo ang lahat??

                                          Kamag-anak mo ba si LOVE??

Pareho kasi kayong "WANTED" ..... Kapag ba nakita ko si Love,makakasama na din kita??

                                                 Love!! Love!! Love!!

Alam mo ba'ng madaming galit sa'yo?? Paasa ka daw kasi!! Sa sandaling matagpuan ka na. Kapag sobrang sanay na sa'yo,at kapag 'yung tipong hindi na kayang mawala ka pa... Saka naman parang nananadya,bigla ka'ng nawawala,biglang maglalaho!!

                                              Love!! Love!! Love!!
                                            Happiness!! Happiness!!

Ano ba talagang papel nyo sa buhay ng tao?? Bakit kailangang matagpuan pa kayo,kung mawawala din lang naman?? Hindi ba pwedeng sa bawat oras ng bawat araw,sa bawat buhay ng tao ay makasama ka??
Hindi naman siguro kalabisang hilinging maging masaya? Sino ba'ng tao ang hindi umasam na lumigaya sa mga panahong nagmamahal siya? Minsan nakakainis na ang tadhana,masyadong epal. Madalas naman kapag umepal,laging sablay. Laging may naiiwan,laging may isang naiiwang lumuluha at umaasam,nanalangin ng walang katapusan,walang inaasahang tugon!!
Ano ba ang sikreto upang maging ganap na masaya? May mga teknik ba na dapat isa-alang alang? Hindi ba ang lahat ay may karapatang mahalin at sumaya? May mali sa buhay ng tao,may mali sa mundong ito!! Hindi ba parang komplikado?? Di ba magulo? At kung iisipin mo,malamang abutin ka ng habang-buhay bago malinawan.. Baka masiraan ka'pa ng kukote,at isa-isang maglaglagan ang turnilyo ng katinuan sa ulo mo!!  (kagaya ng sumulat nito)

Nakakarindi at paulit-ulit na mga hinaing at reklamo.....
Nakakasawa ang mga pangako..........
Walang katapusan ang mga gento,ganyan at sana.......

                                                          Pero??

Tama ba'ng isisi sa iba ang lungkot at sakit kapag nawala ang pagmamahal?? Reasonable ba'ng magalit ka sa mundo kapag nagloko ang asawa mo o di kaya eh two timer or ten timer ang syota mo?? Minsan naisip ko,hindi ka ba nagkulang?? Wala ka ba'ng ginawa upang hindi maging ganyan ang ending ng love story mo?? Ano ba ang mga bagay na dapat at hindi mo dapat ginawa?? Sinubukan mo ba'ng ayusin,ang magpatawad? Ok. Ipagpalagay na sinubukan mo nga,ilang beses mo sinubukan? Kay bilis mo namang sumuko...

Mali ba'ng sabihin ko na mas tamang ang sisihin mo ay ang sarili mo sa mga nararanasan mo? Walang dahilan para sirain mo ang buhay mo,mag-ubos ng panahon sa pag-iyak,pagmumukmok o 'di kaya'y paggawa ng walang kwentang nobela gaya nito!! Kasi pagbali-baligtarin mo man ang mga nangyare. Maganda man o hindi ang mga naranasan mo noong nagmahal ka,sa huli ikaw pa din naman ang nakinabang. Oo isa ka'ng broken hearted.. Isang broken hearted na matatag at may natutunan..

Normal lang ang maghintay,umasa,masaktan at mag-move on... Gasino lang ba ang mga yan? Im sure hindi ka pa mamamatay kapag iniwan ka ng "dream boy" or "ideal girl" mo!!

Isa pa walang nagsabing sasaya ka lang kapag nagmahal ka!!

                       Oo masakit naman talaga ang break-ups,danas ko na yan!!

Kaya next time na magmahal ka be "SMART",wag "GLOBE".. Mahina ang signal n'yan sa loob ng bahay!

                                             Kaya ako??

Kung ako'y magmamahal ulet...
Pipiliin ko 'yung isang babaing may panget na nakaraan,pero nakahandang magbago para sa'ken.
Isang babaeng hindi makikita ang mga mali sa buhay ko,sa halip magiging inspirasyon ko upang itama ang mga ito.
Isang babaeng may mababang pangarap,at mababaw na kaligayahan...
Para kahit baduy at paulit-ulit lang ang mga jokes ko,kasama ko pa din siyang tatawa!!

Mababaw din lang kasi ako..
Ayokong hanapin ang imposible.

46.66 Miles







                                                           Unano siya        Kapre ako
                                                    Isip bata siya             Matured ako
                                           Bugnutin siya                               Mabait ako
                                                       On diet siya        Matakaw ako



Sa dami ng pagkakaiba namin,nakapagtatakang nakatagal ako este nagtagal kami..

Baduy kapag sinabi ko'ng "tumangkad ka'ba?" .. Super unano niya kasi !!

Sablay ang cheesy banat na,
"Alam mo kung bola ka lang,hindi kita kayang i-shoot"
Kasi hinding hindi siya pwedeng maging basketball..
Mas madalas kasi eh para siyang "painting" ..
Oo "painting" ..
Ung "Abstract" ..
Ang hirap niya kasing intindihin.



Nonsense ang paulet-ulet naming away,na madalas ay resulta lamang ng kanyang "modern" na pag-iisip..
"Modern"  kasi,
"super advanced" ..
Wala pa akong ginagawa eh parang nahulaan na niya at nakuha ng magbintang !!



Nakakapag-init ng bumbunan ang kanyang mga trip..
Humahataw at ibang level ang topak !!
May mga times din na may  pagka-imbentor at writer..
Ang husay mag-imbento,na kesyo ginawa mo ito,iyan,ito,iyan,ito,iyan at ito at iyan at kung ano-ano pang walang katapusang ito at iyan !!


Minsan hindi ko alam kung saan ako lulugar,napaka-moody !!
Sala sa init,sala sa lamig ..
Kapag tinopak,kanyang katwiran lang ang tama,at kapag ako ang tama??
Mas type niyang wag makinig at wag magsalita..


Abnuyen..
Parang araw-araw na nagtatalo kami eh parang kindergarten yung kaaway ko..
Kapag may naipilit, GO!!
'Yun na 'yun !!
Kapag sinabi niyang ang "chemical symbol" ng "oxygen" ay H2o at "GD" ang "gold" yun na nga iyon.
Try mo kontrahin at WORLD WAR 3 sigurado...


Malakas mang-asar pero kapag ako na 'yung nag-umpisang mang-asar at napikon siya..
Lagot umpisahan mo na ang 900 na "im sorry" ..


Bilang niya kung ilan na ang na-text ko sa "all txt" ko..
Alam niya ang eksaktong oras ng expiration ng "unli" ko ..
Magtext sa iba,gamitin ang tawag sa iba?? Hmmm..
Nah Very Bad Idea !!
2 minutes nga lang na delayed ang reply ko,siguradong mag-aaway na kami..
At palaging sa akin nabubunton ang galit niya sa palpak na serbisyo ng "SMART" ..



                                    Hindi siya perpektong "GIRLFRIEND" ......
                           Madami siyang pangit na ugali at mga pagkukulang..

                     Pero yun ang reason at purpose ko kung bakit ko siya mahal ..
                                 Dito lang ako,uunawa sa mga ugali niya 

                                                              at
                               magpupuno sa lahat-lahat ng pagkukulang niya ...


                                  Hindi din ako perpektong "BOYFRIEND" ......
                                         Mahal ko siya at mahal niya ako.
                                                  Iyon ang mahalaga!!

Jeepney Fantasy







Napatitig ako sa babaeng katapat ko'ng nakaupo sa pampasaherong jeepney.

Abala lang siya sa pagkain at paghimod sa cornetto ice cream nya.

"betcha by golly wow,you're the one that i've been waiting for forever"

Ipinalsak ko ang isa pang bahagi ng earpiece sa aking tenga.
SAKTO!! GALING!!

Dinuduyan ako sa panaginip ng malamig na musika,muli kong binalik ang titig sa katapat ko'ng babe. Hindi naman sya kagandahan ngunit sa tuwing ilalabas nya ang maliit na dila upang saiirin ang ice cream sa mapula nyang labi,WOW!

"And ever will my love for you keep growin' strong
Keep growin' strong" ...

Lumalabas pa ang maliliit na dimples sa magkabilang pisngi,hindi ko tuloy naiwasang ipagyabang 'yung dalawa ko ding dimples!

"Akala mo ikaw lang ha" ...

Napatingin sya saken,tinitigan ko sya sa kanyang mata.
Wala akong pakialam,basta ang nais ko; manatili sa magic moment na ito.

ng biglang........................................... .

"Ma'aa para ho!!"

SHIT KANTO NA NG PRIMAVERA
TARA NA WAX!!   ,sabi ni Bonits..




Walang Pamagat Ang Isang Ito!!












Mahigit kalahating taon na ako'ng walang gf,saka pa natutong magdala ng condom.
Tuloy naalala ko ang mga past relationships ko,puro sa pangsekswal na interes lang ata sila umikot.

Gusto ko silang (alam na) at madalas sila ang may gusto saken (yabangan to) ..
OO maniwala ka..
Halos naman lahat ng naging gf ko ay sila ang may gusto sa'ken
May katarata,may visual impairment..
Nabulag...
Ginoogle ko ang "visual impairment" at "diabetes' ang unang word ko'ng nakita,komplikasyon daw ata sa sakit na ito.

Nakakabulag daw kasi 'yung height ko..
Ahem!!

5'11 lang naman,at salamat halos lahat ng ex's ko eh 'yung mga nabulag..
Pag naman kame na at tinatanong ko kung anong nagustuhan saken,madalas sinasabi eh yung dalawang dimples ko.
"Pucha,paano pala kung wala ako nun?" ,edi NGSB pa ako hanggang ngayon!!

Hindi ako maalam mangligaw,dinadaan ko sa bilis..
Sabi nga ni idol "mabuti na daw yung mabilis,hindi nauunahan" ..

"type kita,type mo ba ako?"
"kung type mo din ako,edi tayo na" ..
"kung hindi mo ako type,sabihin mo kagad,para titigil ko na ito at kalimutan mo na lang lahat ang mga nasabi ko" !!

Iyang mga linyang iyan at kung ano-ano pang panggigipit sa babae,ang maituturing ko'ng teknik.

Epektib naman... (madalas)

Pag type din ako,edi huli na kagad...
Wala ng intro,chorus kagad...

Matipid sa effort..
Madalas nga sa text pa,sobrang affordable magkasyota!
Alltxt10 lang,isang kindat at 1 week - 1 month na pagpapacute,happiness na.

Pero mali..

Sa sobrang bilis,
Napapa-aga din ang pagsayaw namin sa ritmo ng mapagpanggap na kamunduhan..
Nasa harap mo ang taas noong "lust" ,pero pilit mo pa din'g isanasaksak sa baga mo na "love" ito..

Pinapalangoy mo ang puso't kaluluwa sa karagatan ng pagnanasa,sa pag-aakala na sa kailaliman nito ay masisisid nga ang pinapantasyang pag-ibig.

Pero mali na naman..


Nais ko'ng sabunutan ang mangilan-ngilang babae na nakakausap ko at bumabanat sa'ken ng "ok lang senyong mga boys,wala namang mawawala" ...


Maling mali...

Nung una,akala ko tama nga ang litanyang yan.
Pero ngayon na kasing gulo na ng facebook timeline ang isipan ko,narealized ko na hindi ito totoo..

May nawawala din sa'meng mga lalake.. (o baka sa'ken lang,sa opinyon ko lang)

Ge babanat na'ko,masyado na'ng nahaba etong status ko eh..


Sa mga nagdaan ko'ng relasyon..

First gf ko mahigit 3 yrs kame - Iniwan ako..

Sinumpa ko'ng babawe ako..

May mga ilan ding ako ulet yung iniwan,pero papatalo ba ako eh ako ang bida sa status ko.
Mas marami ako'ng naiwan at naloko!!

Laro..
Laro..
Laro..

At madame-dame pang serye ng paglalaro,pag-aakalang laro at pagpapanggap ng laro.

Huli na bago mo pa mapagtantong..
Yung inaakala mo'ng laro lang para sa'yo,eh hindi pala..

Ang masakit..

Ikaw ang laro para sa kanya!

At pagkatapos ng mahabang panahon ng paglalaro at mapaglaruan..
Narealized ko'ng napakalaki ng nawala sa akin!!


Lahat walang happy ending,walang happily ever after.
Para akong tanga na naghahanap ng masayang wakas sa "dugtungan" na komiks.
At habang nagkakaedad ako,naiisip ko ang mga nasayang na oras at pagkakataon na sana eh sineryoso ko ang pagmamahal.

Tumatanda ako'ng walang napapatunayan kundi ang mga gusot na natakasan

Kung may medalya lang na matatanggap sa kalokohan,baka napuno na nito ang bawat haligi ng bahay namen.

At pigain ko man ang sarili ko,wala naman talaga ako'ng napala rito.

Kung meron man eh puro lamang frustrations at bitterness!

Pero hindi na'ko frustrated at bitter ngayon.
Madami nga akong natutunan sa mga experiences ko eh,at namaster ko din ang talento ko na pagsisinungaling..

The pains will always be there..
Pero sabi nga lahat ng mga bagay-bagay ay may kanya-kanyang tamang panahon.
Maiiwan ang sakit at kahungkagan sa puso,pero sa tamang panahon kapag natutunan mo'ng pahalagahan ng totoo ang pagmamahal.
Mawawala ang lahat ng sakit at mapupunang muli ang bakanteng puwang sa puso mo.


Anong Mabibili Sa Bente?








Iika-ika ang matanda..

Suot ang kanyang bota..

Mabagal at animo'y hindi na umuusad ang bawat hakbang..

Sinasagasa ng mahihinang binti ang sementado ngunit maputik ng daan..

Bakas mo sa mukha ang pagod..

Ang katawang baluktot bunga ng katandaan ay halos matuyot na..


Ngunit wala akong mabakas na takot o kahinaan sa mukha ng abang matanda..

Maliwanag ang aura ng kanyang kulubot na pisngi.

Ngumingiti sa bawat makakasalubong..

Nakatingalang lumalaban sa pagsubok ng buhay at hamon ng mundo!!



Kung pagmamasdan mo siya eh hindi mo maikakaila ang parusang tinatamo ng kanyang maedad ng katawan.

Sa maghapong paglalakad,paglibot-libot at pag-iikot sa palengke..

Sa abala ko'ng araw,ay emosyonal ko'ng nasuri ang kalagayan ng matandang babae.

At hindi ko na nasuway ang aking magkabilang pares ng mata nung magtubig ito..

Naalala ko ang aking sariling Inay at Lola..



Ibig ko'ng magalit..
Pero kanino?

Sino ang pagbubuntunan ko ng sisi at tampo??

"Nasaan kaya ang pamilya nya,mga anak nya?"


Ngunit walang nagtangkang sumagot sa tanong na binulong ng aking isipan..


Malakas ang hanging malamig na sinasabayan pa ng miya't miyang pag-ulan.

Walang bakas ng pag-init..

Tila nagtampo si Haring Araw at walang balak magpakita!!


Andun sa loob ng puso ko ang mga sinag..

Nag-aapoy at naglalagablab..

Nagpupuyos sa damdaming aksidenteng naramdaman!!



====================


"NAY PAGBIL'HAN NYO NGA AKO NG ITLOG PUGO NA YAN!!"

habol ko sa matandang ngayon ay palampas na ng aking pwesto..



Sakto naman ang binayad ko,

ngunit sinuklian ako ni nanay ng isang mat
amis na ngiti.

 


Hala Gising Bangon!!











May nabasa akong artikulo,ah link lang sa isa sa mga page sa Facebook (hindi ko na lang babanggitin kung anong facebook page 'yun) ..

Sabi sa artkulo;

Nakakapagod daw maging Pilipino?
WHAAAAAAAATTTTTTTTTTTTTTTTT??

Nakakainis ang mga taong ganito!!
Ang lakas pa ng kanilang loob na tawagin ang sarili nila na isang Pilipino,eh pagod ka na palang maging Pilipino eh,edi umalis ka na sa Pilipinas. B
aguhin mo'ng citizenship mo! Ang bayan mismo ay pagod na din,hindi sa korapsyon,hindi sa walang katapusang paglaban sa kahirapan,kundi sa mga taong inaako ang pagiging Pilipino ng mabigat sa kanilang dibdib.

Oo totoo namang maraming batik at dungis ang Bayang Pilipinas,tanggap ko ito..

Pero bilang isang Pilipino,wala ka'ng karapatang manumbat.
Lalo na nga kung wala ka namang nagagawa para sa ikabubuti nitong BAYAN!!

Pilipino ka ba,kung sa paraang negatibo mo nakikita ang BAYAN MO?
Naisa-isa mo pa lahat..
Polusyon
Korapsyon
Prostitusyon
Unemployment
Ano pa ba?
Ikaw na lang umisa-isa dahil ikaw lang naman ang malinaw ang mata sa dungis ng mahal ko'ng PILIPINAS.

Gumising ka ngunit sa maling PAPAG ka ata bumangon.
Nasa PILIPINAS ka pa KABAYAN..

Tanggapin na lang natin ang mga PUWING at sama sama tayo'ng magkusot ng ating mga mata.

Magkabuklod buklod tayo at baguhin ang mali'ng sistema.
UMPISAHAN NATIN SA ATING MGA SARILI.

"Hindi kailangan ng PILIPINAS ng GOBYERNONG MATALINO para umunlad,
hindi ang DAANG MATUWID ang laging nangangako ng TAMANG LANDAS,minsan kelangan nating lumiko. Isang GOBYERNONG may PUSO at KALULUWA ang kailangan ng PILIPINAS. Pusong maalam magmahal sa BAYAN at kaluluwang may TAKOT at PAGMAMAHAL sa DIYOS" ..

Hangga't may isang Pilipino'ng nagbubulag-bulagan,hindi aahon ang bayan,
Maghawak-hawak tayo ng kamay,harapin lahat ng hamon at sama-samang pagtrabahuhan ang pag-unlad na pinapangarap..