Thursday, October 18, 2012
Ang Balik-bayan
Mayabang ang pilantik ng balakang ng babaeng naglalakad.
Tumatalbog-talbog ang alsadong laman sa malalim na biak ng kanyang pang-itaas.
Ang mga mahahabang biyas ng hita'y porselana sa kinis,
Parang hindi nausuhan ng libag.
Wala din kahit isang pirasong pantal o guhit man lang ng kapintasan.
Sumasabog ang ga-beywang na kulay abong buhok sa tuwing mahihipan ng naglalanding hangin.
Ang perpektong hugis ng puwet ay kumekendeng sa bawat perpekto din'g paghakbang.
Ano'ng panama ng mga modelong rumarampa,
na tanging dalawang manipis na tela lamang ang tumatakip sa kaluluwa?
Umere ang mga sitsitan at sipol ng mga malilibog na tambay sa kalyeng kanyang nirarampahan.
May isa pang wari'y nawala sa katinuan.
"YOWN!!" sabay hampas ng kamao sa hangin.
Ang ilan naman ay halos magsidapa na sa aspaltong kalsada.
Masundan lamang ang panginginig ng kuyukot na dulot ng paglalakad.
Hindi ito alintana ng dalaga.
Wala siyang pakialam.
Lalo pa'ng pinag-ige ang pagliyad at inarko ang kurbadang alindog.
Animo'y ginanahan pa sa atensyong nilikha ng kanyang presensya.
"Materyales fuertes" bulalas ng bungal na si Tasyo.
Nakakademonyo naman talaga..
Ngunit binulag na ng pagnanasa si Kulas "Isa siyang Anghel!!" proklamasyon nito habang nakaluhod..
Napangiti na lang ako..
Tinuloy ang paghithit sa pumapatay na bisyo.
Binubuksan ko ang mentos na sinukli sa'ken.
Out of stock na daw ang piso,kaya't madalas kendi ang panukli.
Nang makaramdam ako ng init mula sa isang milyong mata'ng nakatanaw sa'ken.
??????????
Asa harap ko ang diwata..
Halos malunok ko ang inuutaot na piso este kendi.
Nanginginig ang bawat himaymay ng aking katawan.
Kumukulo ang dugo sa aking mga ugat,at wari'y nais magsiritan.
Para ako'ng nabuhay sa matagal na pagkakahimlay.
Hindi masapa ng dalawa ko'ng mata ang masarap na putahe'ng nakahain sa harapan..
Nangangako ng lagpas langit na kaligayahn ang dalawang pakwang hinahapit ng manipis na blusa.
Malapit na ako'ng dumighay nang......
"Udoy Udoy?" "Hey it's me Sandra!" makaraan niyang pumitik sa hangin.
Sumirok ang byaheng alapaap.
Hinding hindi ko makakalimutan ang boses na yun!
Ang boses na animo'y tulad ng sa mga naghahabulang kaldero.
"Hayop ka Sandro!!"
"Kelan ka pa dumating?" ..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment