Thursday, October 18, 2012
Break-Up Syndrome
Paano nga ba magpaalam sa taong ayaw mo namang umalis?
Paano ba sabihing "ge ingat ha!?" .
.
Kung deep inside naman eh ang gusto mo talagang sabihin ay "wag ka'na lang umalis please" ..
Paano ba magkunwaring hindi mo siya namimiss?
Pa'no ba magpanggap na ok ka, sa harap ng mga kaibigan niyo?
Pa'no na lang 'pag napadaan ka sa mga lugar na dating dinaraanan n'yo or madalas niyong puntahan?
Paano kumaing mag-isa?
Kung nasanay ka'na na kasalo siya?
Hindi ka'na naman ba kakaen?
"Mamamayat ka nyan!!" ..
Paano ba ang matulog?
Kung nasanay ka'nang katabi siya??
Noon super reklamo ka'pa kasi masikip at mainit.
Ngayong mag-isa ka lang sa higaan,maluwag na at hindi na rin mabanas.
Im sure naiisip mo siya nu??
Paano ang paggising sa umaga na hindi mukha niya ang iyong unang mapapagmasdan?
Ang mga ngiti nya'ng lalo lang nagpapatamis sa iyong kape.
Paano ang Araw ng Linggo?
Sisimba ka'pa ba?
Malamang mamiss mo lang siya.
'Yung pagdaldal niya habang nagdarasal ka,at 'yung pagyayakag niya pauwe kahit na nga kadarating niyo pa lamang.
Pero ngayong mag-isa ka lang sa upuan ng simbahan.
Im sure naaalala mo siya nu?,sana eh katabi mo siya.
Kahet na nga dumaldal pa siya habang nagdarasal ka.
Kahit pa magyakag na nga pauwe!!
At kahit humirit pa siya ng "jollibee" bago dumiretso ng bahay.
Ok lang..
Siya naman kasi 'yung totoong mahalaga eh.
Siya at 'yung makasama siya!!
Paano ba burahin ang 19 sa kalendaryo?
Paano na lamang ang "anniversary?
Ang Pasko?
Ang Pyesta?
Ang Bagong taon?
Ang Valentines Day?
(na madalas niyong pag-awayan ang spell "valentimes or valentines?)
At ang lahat-lahat ng mga okasyong madalas ay magkasama niyong ini-spent?
Paano ba ang lumimot?
Kung lahat-lahat ng mga bagay sa bahay at buhay mo ay nagpapaalala sa kanya?
Paano ba tumakas sa kahapon?
Kung kasa-kasama mo ang mga memories ngayon.
Paano ba ibaling ang atensiyon sa iba?
Minsan maiisip mo,mas okey na magka-Amnesia ka na lang.
Para makalimutan mo'ng lahat.
Lahat ng tungkol sa'yo.
Lahat ng tungkol sa kanya.
Lahat ng kahapon,lahat ng ngayon,lahat-lahat!!
Pwede ba'ng tumakbo ka'na lang ng malayo??
Nang malayong malayo tapos hinto ka sa lugar na walang nakakakilala sa'yo.
Sa lugar na walang nakakaalam ng lahat ng mga hirap at kalungkutan mo..
Pero hindi eh.
Matutulog ka't gigising sa umaga,tapos ano?
Namimiss mo pa din siya di ba?
Paano ba maging masaya??
Kahit wala na siya.........
Minsan nakakainis ang tadhana!!
Bibigyan ka ng taong mamahalin,tapos kapag sobrang sanay ka'na kasama siya,kapag hindi mo na kayang mawala pa siya..
Saka naman parang nananadya,saka mawawala..
Kaya habang kasama mo ang taong mahal mo,wag kang magsawang sabihin at iparamdam kung gaano mo siya kamahal..
(wag ka'ng gumaya sa sumulat nito!!)
Kung sana'y kasing-simple lang ng pagsusulat ang pag-move on,at pagbuo ng isang maayos na relasyon.
Kung posible lang,wawakasan ko ang bawat "love story" ng "happy ending" sa huli....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment