Thursday, October 18, 2012

Rainy Days and Mondays














Wala akong maisulat..

Blangko ang aking utak..

Nakaka-apat na stick na'ko ng sigarilyo..

2 tasang kape..


Walang gasino'ng tao sa palengke..

Nangangamoy bokya na naman.

Pag nagkataon;

tatlong kaluluwa na naman ang magtitiis ng gutom sa haba ng magdamag.


Ang bagal ng internet...

Halos hindi pa nangangalahati ang dina-download ko'ng pelikula.

Kabisado ko na ang laman ng aking mp3 files.

Kung ieexam ito sa aken ng boss ko,tiyak ko'ng makakakuha ako ng perfect score.

Ganun din ang videos,pc at psp games...

Ineedit ko kasi ang mga filenames nito kapag walang customer.

Mahusay na pamatay oras kesa maghintay ng paisa-isang notification sa facebook.


"Hayst!!"


Nakakailang buntong-hininga na ako..


"Argh!!"


Ilang palagutok din ng mga daliri at unat ng likod..


Malapit ng maubos ang kalahating araw ngunit wala pa akong nagagawa..



Nakakaburyong din ang buhay technician..


Ni-right click ko ang kaharap ko'ng laptop..


New text document..



"oo sa notepad la'ng ako nagsusulat"


Ewan ko ba't tamad na tamad ako mag-install ng microsoft office.


Alam ko kasi na hindi ko naman masisingil ang sarili ko kapag ginawa ko iyon.


Kung sa computer ng customer ko iiinstall yun,mahina na ang dalawang daang pisong talent fee!




"Diyes - trenta'y singko!!" palatak ng lumampas na kubrador..


"May patama ka Aje?" habol ng matandang parokyano..


"Wala ho,daplis sa pamigay ko'ng onse - trenta'y kwatro!!"



Muling tumahimik ang paligid..

Saglit akong tumayo ng upuan at ini-strech paitaas ang dalawang kamay.


Sinulyapan ko ang ibang mga pwesto..

Wala din'g mga customer.

Maluwag na maluwag ang buong building na aming kinapwepwestuhan!


Kahit mag-emergency landing ang Phillipine Airlines dito ay payapa silang makalalapag.



Pabalik na ako sa monobloc chair ko ng sa wakas ay may naglakas-loob na mangbulahaw!!

Napailing lang ako kasi hindi ko naman maintindihan ang pumapailang-lang na awitin.


Maranao song---sa kalapit ko'ng pirata-han nagmumula ang alien na musika.


Sanay na ako sa mga ganung tugtugin..

Halos kabisado ko na nga din ang ibang maranao na kanta,kahit na nga wala akong kahit isang salita na naiintindihan.



Email or phone                                                                                                                      Password

dr.wakwaxx@yahoo.com                                                                                                    ................



LOGIN



Wala man lang kahit isang notification,PM's or friend request.


"Pucha wala man lang nagmamahal sa akin ah!!"


Sumawa na ang mangilan-ngilan ko'ng kahuntahan sa chatbox.

Wala din kahit isang gift sa Texas Poker.


Ni-click ko ang maliit na 'x' sa dulong itass, kanang bahagi ng mozilla firefox..



"Whooaahh!!"



What to expect??

Sa lahat ng araw.

Pinaka-patay na araw ang lunes!

Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ka-tumal pag lunes.


At kahit si pareng google hindi kayang i-explain ang misteryo ng kamalasan ng araw na ito.


Hindi ako bilib sa mga lucky charms at fengshui.

Hindi naman ako chinese.

Koryano ako.

Koryanong Hilaw!!


Pero tumayo na din ako upang kalampagin ang tatlong maliit na chinese bells sa may ulanan ng upuan ko.


Pinikit ko pa nga ang aking dalawang mata habang ginagawa 'yon!


Pero sa halip na bwena-mano ang i-wish ko.

Nasambit ko eh "happiness!!


Natawa na lang ako..


"Ang bilis ah!" na'ng mapagtanto ko'ng mga naganap.


Tumatawa na nga pala ako sa sandaling ito.


Halos kilabutan pa ako ng muli ko'ng masulyapan ang mga maliliit na chinese characters  na nakaukit sa windchime.



"true ka promises??"

Ngunit hindi naman ito umimik.


Nagkibit balikat na lang ako at binalik ang mukha sa mumurahin ko'ng laptop.



Nais ko sanang tapusin na yung kwento ko sa symbianize kaso tinatamad ako'ng magsulat.

Madalas ganito ako.

Parang tamad na tamad ako'ng magkikilos.

Kahit ako nga mismo eh naiiyamot na din minsan sa sarili ko.


"Hayst"


Nakatitig ako sa notepad.

At sinubukang tumipa sa mga kupas na letra ng keyboard.



"Kleng! Kleng! Kleng!"



Wala namang hangin pero muling tumunog ang mga bells ng windchime.


"Kapag tumunog ang windchimes ng wala namang hangin,may masamang espirito" ...


Naalala ko pa'ng kwento sa'ken ng namayapa ko'ng Lola.




Bumilis ang tibok ng puso ko.



Pero hindi dahil sa takot..



"Kuya may internet ka?"

"Nag-a-upload kayo ng pix sa facebook?"


Tinig galing sa isang anghel na naka-uniporme ng Lyceum.


"KU-YA HE-LLO?!!"


"Oh Oh" laglag ang puso ko'ng sagot.


"Magkano naman Kuya?"


"Kahet pangyosi lang" nagpapacute ko'ng tugon.



Kung totoo man ang kwento ng Lola ko noon,

aba'y ibig ko ng ma-sapian!!


Ngayon na mismo!!



"Kuya add mo 'ko dali" sabi nya pagkatapos magawa ang pakay.


"Chat tayo minsan ha" "thank you!!"


habang palayo ng shop ko na nakangiti..



"wheeww!!"



Malayo na siya ng ma-realized ko ang isang bagay.



"Langya ka,bayad mo!"



No comments:

Post a Comment