Thursday, October 18, 2012

My Guardian Angel





Chapter 1

Biglang-bigla naman ang pakikipaghiwalay sa'kin ni Kathy.
Sa init ng aming relasyon, hindi ko man lang naisip na manlalamig siya ngayon.
Parang ulan lang sa pagsapit ng dilim, sa kabila ng napakainit na maghapon.
Parang climate change lang, pagkakaiba lang ay ang climate change may dahilan, kawalang disiplina ng mga tao…pero ang pakikipagbreak sa'ken ni Kathy, wala!
Ewan ko lang…
Clueless…
"Ayoko, hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako papayag, magpapakamatay ako!!"
"Edi magpakamatay ka!!"
"Edi magpakamatay ka ka ka ka ka ka!!"
Umeeko ang huling salitang binitawan ni Kathy.
Dere-deretsong nagdadive sa kukote ko.
Naghahamon.


"Akala mo hindi ko kaya ha?!"
"Wag mo akong subukan Kathy!"
"Tignan ko lang naman ,siguradong mas malaki pa sa'yo ang konsensyang mararamdaman mo oras na tumalon ako dito, letse ka'ng unano ka!"

Kring Kring!! Kring Kring!!
Patalon na sana ako na'ng biglang tumunog ang aking telepono.
Unknown number?
Tignan mo nga naman oh, ako lang ata ang kaisa-isang magpapakamatay na may dalang selpown. At take note, buhay na selpown na nakaloud pa ang volume.
Madalas suicide note ang bitbit ng magsusuicide di ba?
Masama ba'ng isama ko ang cp sa pagtalon ko?
Nabili ko ito mula sa unang sweldo ko eh, may sentimental value to para sa akin.
Kring Kring!! Kring Kring!
Muling ring ng telepono.
Hindi ako naniniwala sa guardian angel na nagliligtas sa'yo sa oras ng kapahamakan.
Sa guardian devil baka pa, puros kamalasan ang nangyare sa'ken ngayong araw eh.
Tumama ang alaga kong numero sa jueteng, yun nga lang wala akong taya. Namatay ang alagang kong pusa, ewan ko lang kung bakit, basta nagising ako isang umaga, pero siya eh hindi na.
At ang pinakamasaklap na kamalasan sa lahat, ang break-up namin ni Kathy.
Taragis naman talaga oh, pag magagahasa ka talaga ng kamalasan. WAGAS!
Pero perfect timing eh, ga-kulangot na lang ang pagitan ko sa kumakaway na kamatayan ng biglang ola KRING KRING!

"Hello" garalgal na boses ng sumagot na babae.

"Sino 'to?" sagot ko naman.

"Kanina pa kita tinetext, hindi ka nagrereply" hagulgol nya.

"HA? Teka teka!" nalilito kong sagot tapos pinindot ang buton na puputol sa'ming usapan.




Chapter 2
Kring Kring!! Kring Kring!
Kabado kong pinakikinggan ang tunog ng pag-ring ng kabilang telepono. Kung sino man sya ay hindi ko alam, kelangan ko nang kausap dahil kung hindi mamatay na talaga ako.
Kring Kring!! Kring Kring!!
Isa pang set ring sa kabilang telepono.

"Hello" gumagaralgal kong pagbati.

"Sino 'to?" sagot ng boses lalaki sa kabilang linya.

"Kanina pa kita tinetext, hindi ka nagrereply" syang nasambit ko para lamang meron kameng mapag-usapan.


"HA? Teka teka!" nalilitong sagot ng lalaki sa kabilang linya sabay…
Tuuuuuuuuuuuuut
“Waaaaaaaah, baket nya ko pinatayan ng telepono? Ngayong kelangan ko lang ng makakausap.” ni-redial ko ang numerong unang rumehistro sa aking utak kanina.

Walang lamang contacts ang luma kong Samsung phone, nireformat ko ito ng walang panghihiniyang. Sa daan ay bumili ako ng bagong simcard dahil sa kagustuhan kong walang makahanap o maka-trace sa akin. Isa akong walang kwentang tao, walang future. Nang makita ko sa internet na naibagsak ko nanaman sa limang pagkakataon ang Bar alam kong gigilitan na ako sa leeg ng nagpalaki sa akin. Tumatanda ako ng walang pinagkatandaan at sinusuka na ako ng aking step-father.

Palibahasa ay ulilang lubos na ako mula sa aking mga magulang na maagang kinuha ni Lord. Ang pangalawang asawa na ng aking mama ang nagpalaki sa akin at ngayon ay sinisingil na nga ako sa aking mga pagkaka-utang. Tampulan na ako ng tukso ng aking mga step-brothers and sister.

“Mababaliw na ako kaiisip” sigaw ko sa loob ng carnap kong kotse.

Oo carnap ko nga ang kotseng minamaneho ko ngayon. Galing ako sa pipityugin apartment ng walang-hiya kong boyfriend ng makita ko sya sa aktong panloloko. Hubo’t-hubad ko syang nadatnan sa kanyang kwartong may katabing…LALAKI! Oo, lalaki, ang walang-hiya pala ay bakla.

Inihagis ko sa kanya ang bag kong wala namang laman, nagising ko sila ng ka-espadahan nya. Nagmamadali akong tumakbo, hindi ko alam kung humabol sa akin ang loka dahil wala naman syang saplot sa kanyang katawan. Sa labas ng kanyang apartment ay may isang Kia na nakaparada na para naman pinagsadya ng kapalarang makita ko at laan talaga para sa akin. Bukas ito’t nasa loob ang susi. Buti na lang at naturuan na ako ng baklang exboyfriend kong magmaneho kaya walang pagdadalawang-isip na kinuha ko ang nakabalandrang sasakyan sa kalye.
Kring!! Kring!! Kring!!
“Sumagot ka na please.” paki-usap ko sa hangin.

"Pwede ba? Istorbo ka eh." inis na sagot ng lalaki sa kabilang linya "Mamamatay na ako maya-maya oh." dagdag pa nitong sagot.

"HA? Baket ka mamamatay, may malalang sakit ka ba? May malalang sakit ka ba? May malalang sakit ka ba? " paulit-ulit kong tanong.

"Kelangan talaga paulit-ulit, unlimited? Magpapakamatay ako, angal ka?" nakikinita kong umuusok na ilong nyang reply.
"Baket ka magpapakamatay, masama yan?" sa isip-isip kong uunahan pa akong mamatay ng kausap ko.
"Ano ngayon sayo?" sagot nya.

"Eh baket ang sungit mo? Ikaw na nga tong inaalala eh." sagot ko naman sa kanya. Nawala bigla ang mga luha sa aking mata dahil meron din pala akong katulad ng sitwasyon ng mga oras na ito.

"Alam mo ang epal mo lang eh, kanina pa dapat ako patay eh. So if u wont mind tatalon na ako?” naiirita nyang sagot.

"WAIT!” sigaw ko naman.
"Ano na naman, pwede ba tantanan mo ako!"

“Suplado ka ah! Ikaw na nga tong inaalala! Gusto mo kotongan kita dyan eh. Oh kaya itulak na kita dyan ng mapadali ka na!” yamot ko na rin sagot sa kanya.

Sumisigaw na ako sa asar. Hindi naman ako mabilis magalit pero maikli ang pasensya ko sa mga nagsusupladong frog. Kung kanina'y ibig ko'ng magpakamatay, ngayo'y gusto kong ng pumatay. At kung katabi ko lang 'tong lalaking to, malamang kanina ko pa siya hinulog mula sa kung saan man nyang kinatatayuan.
“Bago ka tumalan, may request lang ako.” pag-babago ng aking tono at seryoso kong tanong.

“Aba’t ginawa pa akong radio station. Batian portion ba to? Di ba ako dapat ang magrequest? Yung mga nasa deathrow di ba ginagrant 'yung request nila bago sila isalang sa bitayan?” sarkastiko nitong reply.
"Anong bang request mo ng matigil kana? Kanina pa ko excited mamatay eh."
“Nalulungkot kasi ako eh, baka pwede mo naman akong kwentuhan. Wag ka na umangal dyan, magkwento ka na. Huwag mo na muna ko sungitan total naman huling kwento mo na to dahil mamaya deds kana. Baket ka nga ba magpapakamatay?”

--> by miss red





Chapter 3

“First girlfriend ko si Kathy, hindi ko naman siya crush nuon eh. Ewan ko ba, naimmune lang ata ako sa pagmumukha niya.

Kaeskwela ko kasi siya mula grade one hanggang fourth year high school. Tapos ayun akala ko gusto ko na siya, pero sulit ang maling akala eh.

Ang ganda ni Kathy noong magdalaga, malayong malayo sa pagiging uhugin nya noong elementary kame. Lumaban pa nga siyang Campus Muse noong 2nd year na kame eh,
yun nga lang natalo. Anak ng principal kasi ang kalaban, naka-retainer pa. Syempre halos magrebolusyon ang mga campus headaches, mga repeater na admirers niya.

So bilang simpatya siguro, araw-araw may natatanggap na loveletters si Kathy. Ako naman? Deaththreat na pasimpleng isinusuksok sa bulsa ng bag ko.”
"Hayop ka, boyfriend ka ba ni Kathy. Layuan mo siya kung ayaw mo'ng manghiram ng mukha sa aso"
“Yan ang madalas na laman ng death threat, na hindi ko naman pinansin noong una. Ang tapang ko kaya, hindi ko madama ang kaba. Isa pa sinong mag-aakala na tototohanin ng mga kumag ang banta.

Isang hapong awasan, dahil magkapitbahay din kame ni Kathy. Sabay kameng nauwe, palabas na sana kame ng gate ng iskul ng bigla na lang may lumipad na sipa sa aking pagmumukha. Totoo pala 'yung kasabihan na kapag malapit ka ng mamatay, nagislow-mo ang lahat. Nabasa ko pa kasi ang tatak ng sapatos, bago tuluyang lumapat sa aking mukha. At dahil nga slow-mo ang pangyayare,sigurado akong hindi si Bruce Lee ang tumadyak sa'ken.

Sa liit nyang 'yun, nakakabilib na umabot sa nguso ko ang roundhouse kick nyang pinakawalan. Noong intrams ko na lang nasulit ang aking kuryusidad, varsity pala ng sepak takraw ang walangya.

Kay Kathy ko unang natutunan ang pagpapahalaga sa isang gamit. Noong namantsahan kasi ng tumulong dugo ang suot ko'ng polo, sinabihan niya ako na pagkahubad daw ay labhan ko kagad. Nakakakilig lang kasi habang sinasabi niya sa'ken 'yun eh ramdam na ramdam ko ang pagiging concern nya sa'ken. Sa katunayan sinapak pa nya ako nung sabihin kong wag na't itatapon ko na lamang. Matatanggal pa naman daw, ibabad lang daw kagad sa klorox.

Akala ko laging ganun na lang ang papel ko sa buhay ni Kathy. Taga-salo ng sipa at suntok ng nagmemeno-pause nyang admirers, pero nabago ang lahat nung mag-JS kame. Kung nalaman ko lang na sa araw ng JS papanig ang swerte sa'ken, malamang nagpa-JS na'ko kahit hindi pa February.
Nakainom ako noon eh, loko kasi mga kaklase ko may dalang alak na nilipat sa bote ng C2. Hindi ko alam kung ano talagang mga nangyari nung gabi ng JS Prom, natatandaan ko lang last dance ko si Kathy. Tapos eto paggising ko may syota na ako, may hang-over din.”

"Teka nakikinig ka ba?" putol ko sa pagkwekwento ko ng mapansin ko'ng parang hindi naman interesado ang kausap ko sa mga pinagsasabi ko.

“Tignan mo tong kausap ko, pinagkwento ako tapos tutulugan lang pala ako. Makauwi na nga lang. Nawalan na rin ako ng ganang magpakamatay.”

“Zzzzzz” sagot ng nasa kabilang linya.

--> by thirdy




Chapter 4

Kring!! Kring!! Kring!!
“Hello” pupungas-pungas na sagot ng lalaking sumagot.

“Hello emokong, good morning!” masaya kong bungad sa kanya.

“Ikaw nanaman? Anak ng putting-tupa naman oh, hindi mo ba ko tatantanan? At ano namang emokong ang pinagsasasabi mo ha?”
“Mukha atang tototoo ang kasabihan magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising,tapos hang-over din. Ang aga-aga mong amplaya dyan, tsini-check ko lang kung buhay ka pa eh.” pang-iinis ko naman sagot. “Yung emokong, short for emo na mokong. Hahaha.”

“May gana ka pang tumawa dyan ha? Matapos mong bitinin ang pagpapakamatay ko kagabi at pagkwentuhin at tulugan ay nakuha mo pang tumawa.”


“Aba high blood talaga?! Dapat nga pasalamat ka dahil buhay ka pa.”

“Magpasalamat your face.”
Tuuuuuuuuuuuuuuuut
“Ilang beses kaya ako balak bagsakan ng telepono ng lalaking to? Nakakainis na to ah. Humanda ka sa akin.” at muli kong dinial ang kanyang numero.
Kring!! Kring!! Kring!!
“Sagutin mo na mokong ka.” gigil kong sambit.

“The number you are calling cannot be reach.” mula sa kabilang linya.
”Hahaha…At kelan ka pa naging voice prompt emokong?” natatawa kong sagot.

“Ano nanaman ba kasing gusto mo? Patulugin mo naman ako, napuyat ako sa pagpapakamatay oh.”

“Bumangon ka na dyan at hapon na. Nandito ako sa mall ngayon, puntahan mo ko. Gutom na rin ako, gusto ko kumain sa Tokyo-Tokyo. Dun na tayo magkita, Bilisan mo na at hihintayin kita. Ayoko mamatay sa gutom.”

“Hala, may sayad ka bang babae ka? Huwag mo nga akong idamay sa kapraningan mo.”

“Sayad? Baliw? Baka nakakalimutan mo, utang mo sa akin ang buhay mo kaya huwag ka na umangal dyan. BILIS!”

“Utang? Sino ba nagsabi sayong masaya akong buhay pa ako? Ang laki ng problema mo, patingin ka na sa doctor.”

“TEKA! Huwag mo sabihin bababaan mo nanaman ako ng telepono? Kumita na yan kanina. At kahit babaan mo ko, tatawag ulit ako sa...”
Tuuuuuuuuuuuuut
“Aba naman talagang binabaan ako.”
Kring!! Kring!! Kring!!
“May sa demonyo ka bang babae ka? Pinatay ko na telepono ko nakakatawag ka pa rin? Sa totoo lang ilang beses ko na tong pinatay pero tawag ka pa rin ng tawag.” pang-gagalaiti nyang sabi.

“Demonyo? Sa ganda kong to? Angel ako hindi demonyo? Nandito na ko sa Tokyo-Tokyo, SM Mall of Asia. Kulay pula ang suot kong dress. Long wavy hair and I wear glasses. Oh sige na, see you later, bye.”

“Anak ng?! Hoy sanda…”
Tuuuuuuuuuuuuuuuuut
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. Ibinaba ko na ang aking cellphone at umaasang sana dumating sya.
“Hahaha, nakaganti rin ako sa mokong na yun.”


--> by : miss red




Chapter 5

 
“Anak ng?! Hoy sanda…”
Tuuuuuuuuuuuuuuuuut
Talaga naman binabaan ako ah, anak ng…
Hayop ka sabing sandali!
Nasisiraan ka na'ng babae ka!
Anong Tokyo-Tokyo?
Baliw Baliw!
Mabulok ka paghihintay sa'ken, wala akong balak magpunta!
Ano ka sineswerte?
Wahahaha!

Walang tigil kong kasisigaw sa aking selpown. Bwisit na bwisit sa babaeng di ko naman kilala at ni hindi ko pa nakikita.

Buti na lang wala si inay sa bahay dahil kung hindi baka isipin nun eh nababaliw na ako. Nagsasalita at tumatawa akong mag-isa, habang hawak ang selpown. Salamat na nga lang at bitbit ko ito kahapon, kung hindi malamang pinaglalamayan na ako ngayon. At malamang ilang linggo din akong bida sa umpukan ng mga kapitbahay kong tsismosa.
"Iyang si Ken, aba'y nakow iniwan pala ng nobya kaya nagpakamatay!!"
Nyay! Kapag nagkaganun, siguradong hindi matatahimik ang kaluluwa ko. At siguradong hindi ko din sila papatahimikin!!

Red dress, long wavy hair at eyeglasses?
Hanep pormang principal!
At demanding ha, ano ka prinsesa? Pwes, mahal na prinsesa ako ang hari.
Ako ang boss at papakita ko sayo na ako ang dapat na nasusunod.
Tignan naten kung hindi ka sumuko!
Kring Kring!! Kri--!!

"Ano bwahahaha? Suko ka na! hahaha? Baliw, kung si inay nga hindi ko sinusunod, ikaw pa?"


"Hoy Flores?!"

Patay!
Sa pagmamadali ko'ng sagutin ang telepono hindi ko na natignan kung sino ang caller. Akala ko kasi ang prinsesa na. Hindi ako pwedeng magkamali, si boss lang natawag saken sa apelyedo ko.


"Boss, so-sorry kasi..." nauutal kong sagot


"Anak ng tokwa ka Flores, anong oras na? Papasok ka pa ba, saka anong pinagsasabi mo'ng suko, luko ka ba?!"

Patay ulet!!
Mag-aalas onse na pala, napuyat ako ng napurnadang pagpapakamatay.


"Eh boss a-absent muna ho ako ngayon at masamang pakilasa ko".

Nagdahilan na lang ako.
Totoo namang hindi maganda ang pakiramdam ko eh. Nahihiya ako sobra. Kung pwede lang mag-evaporate, ginawa ko na. Siguro kung hindi ko lang siya katropa, malamang matagal na akong nasisante. Computer technician ako at namamasukan ako sa shop na pagmamay-ari niya.


"Paano 'yung tanggap mo'ng laptop dito, ngayon ang tubos nito di ba?"


"Bukas dude este boss, papasok na ako bukas.”
Pinatay ko na din ang tawag niya, sabihin ko na lang kunyare na-lowbat. Baka kasi tumatawag na ang mahal na prinsesa, mas excited akong madinig ang reaksyon nya sa hindi ko pagsipot.

Grabe mag-iisang oras na pero hindi pa din natawag ang baliw na yun ah. Babalik na lang ako sa pagkakahiga, sa totoo lang antok na antok pa ako. Hindi ako kaagad nakatulog kagabi. Pero sino kaya 'yung misteryosang caller na yun?

TEKA!
Anak ng pucha, baka sila Echo lang 'to, nalaman na ba nilang broken-hearted ako at ngayon nga'y mga nang-gu-goodtime.

Pero hindi eh, babae 'yung caller. Hanep naman kung gumastos pa sa talent, edi sila na mayaman. Hahaha!

Pero ang galing lang ha, ang lamig at ang ganda ng boses ng babae. Siguro dj yun at siguradong panget yun sa personal. Ganun naman daw madalas, pag maganda ang boses sa telepono panget sa totoong buhay. Karamihan sa mga dj di ba, boses lang talaga ang maganda.
Hindi ko na sana pinagmasdan ang iyong ganda,
At hindi na rin pinansin pa bawat ngiti mong may gayuma
Makakatulog na sana ulet ako nung mangbulahaw ang karaoke ng kapitbahay.
grabe talaga si Tyu Mando, ang lakas magpatutog.

Huuh!
Pag inlove at broken-hearted ka, parehas lang. Parehas lang na hindi nagpapatulog.
At bakit ba pag broken-hearted ka eh halos yata lahat ng kanta eh nakakarelate ka?

Dahil sa akala ko hindi ako iibig sayo,
ikaw pala ang aakit sa puso ko.
Pinikit ko na lang ang aking mga mata, naaalala ko si Kathy. Paano nga ba kame nagsimula?

Dayo lang sila Kathy sa aming lugar, galing silang Manila. Hindi ko alam kung bakit sila umalis dun, pero ang sabi saken ni Kathy eh dahil daw namatay ang daddy nya. Naubos daw lahat ng yaman nila kasi matagal din itong naospital bago namatay. Grade 5 na kame nung aksidenteng madinig ko sa usapan nila inay ang totoo, hindi daw namatay ang daddy ni Kathy. Hindi ko rin matiyak nung panahon na yun kung ano ang kahulugan ng disgrasyada, pero iyon ang pagkakadinig ko.

Nagkagaanan kagad ng loob ang dalawang matanda, palibhasay iisa ng hilig. Ang manuod ng teleserye at ang pag-usapan ang baho ng mga kapit-bahay. Hindi na ako nagtaka ng kunin ni inay ang mommy ni Kathy na ninang ko sa kumpil, at hindi na din ako nagtaka nung magkabagong tv kame pagkalaon. Aba'y araw-arawin ba naman ang pagbibigay ng ulam, ang laking natipid ni inay sa gastusin.

Ewan ko lang kung bakit type na type ni ninang mag-pafree-taste ng mga patsam nya. Mga patsambahang menu, hindi naman masarap magluto. Nung huli ngang adobong chicken feet daw, sows kung hindi lang yun niluto sa toyo, hindi ko maiisip na adobo pala yun. Nagmukha lang palamuti ang paa ng manok, mas malalaki pa kasi ang gayat ng lahok na kamoteng kahoy. At tantya ko, may lahing aswang sila Kathy, takot kasi sa asin. Lahat ng niluto matabang!

"Ano? Dito ka din nag-enroll?" gulat kong tanong kay Kathy nung makasalubong ko siya sa hallway ng hayskul na aking pinag-enrollan. Kasama ko nun si inay, at siya naman eh kasama mommy niya.

"Oh may angal ka, sa'yo ba itong school? Yucks!" maarteng niyang sagot.

"Sinusundan mo ba ako?" pangungulit ko sa kanya. Hindi siya naimik, nakatingin lang sya sa mommy niya at kay inay na sa oras na yun ay kausap ang magiging adviser namen sa unang taon ng sekondarya.

"Mare si Ken lang kasi ang kaclose niyang bunso ko sa lugar naten eh, alam mo naman." nadinig ko pa ang sinabi ng mommy ni Kathy kay inay, habang palapit sila sa pwesto namin.

"Akala ko ba sa private school ka na papasok pag highschool na tayo ha?" bungad ko kay Kathy. Unang araw ng highschool yun, excited na excited pa naman ako sa mga bagong makikilalang babae. Pero mukhang hindi na matutupad ang pantasya ko, mula bahay ay naka-akbay pa saken ang walangya.

Dali-dali kong tinanggal ang nakasukbit nyang kamay sa aking braso nung nasa tapat na kame ng gate ng eskwelahan.

"Bakit mo tinanggal ha?!" galit nyang puna sa inasal ko.


"Baka mapagkamalang syota kita, dito din papasok si Anna yung crush ko nung grade 6 baka makita tayo"
"Ah ganun, pwes sisiguruduhin kong hindi ka magkakasyota sa buong highschool life mo. Hahaha" umuusok ang ilong nyang pang-aasar na sinundan pa ng pagtawa.

Parang kontra-bida lang sa pelikula, gusto ko sana siyang upakan noong oras na yun pero…"Pag nagkasyota ako, ano?" sagot ko naman.

"Hindi ka mag-kakasyota." mataray at solido niyang tugon.

"Pustahan, call ka?"

"Call!"


--> waxxy








Chapter 6
Kring Kring!! Kring Kring!!

“Hello”
“He-he-hello, ba-ba-baket hindi ka nagpunta?” pahikbi kong sagot.

Alas diyes na ng gabi at nasa labas na ko ng SM Mall of Asia. Nagsasara na kasi ito. Inabot na ko ng ganitong oras kahihintay sa lalaking inaasahan ko. Ngunit hindi sya nagpunta. Hindi ko matanggap na wala na talaga akong kwentang tao at wala ng nagpapahalaga sa akin.

Kanina pa ako nakatingin sa kawalan. Sa harap ng tahimik na dagat ng Manila Bay, napakasarap ng halik ng hangin sa aking basang pisngi. Ang mga alon ay para bang nang-aakit at inaaya akong sya ay maramdaman.

Tatalon na ba ako?

“Sino ba to?” yamot na sagot ng lalaking halatang bagong gising lamang.


“Ma-ma-mahirap bang sundin ang huling ka-ka-kahilingan ng isang taong ma-ma-mamamatay na? A-a-ang kumain ng Tokyo-Tokyo Chiken Karaage bago sya tuluyang ma-ma-malunod sa mapang-akit na da-da-dagat.”


“Ano? Huwag mo nga ko goodtime-in!”
“Ba-ba-baket hindi ka nagpu-pu-punta? Ba-ba-baket? Hi-hi-hindi ba talaga ako ganun kahalaga ha? Ta-ta-tanggapin ko na lang ang alok ng dagat na habang-buhay na ka-ka-katahimikan. Pa-pa-paalam…”

“Teka, sino ba naman kasi nagsabing magintay ka? Hindi naman ako nangakong pupunta ako kaya huwag ka ng magdrama dyan! Huwag mo ko pa-guilti-hin!”

Hindi ko na sya nagawang sagutin, alam ko namang mali ang umasa. Malungkot lang talaga ang mag-isa. Tatalon na ako. Isa… Dalawa… Tatlo…


“Hoy babae sumagot ka! Tumalon ka na ba? Huwag ka muna tatalon! So-sorry na.”
Tama ba ang narinig ko? Nag-sorry sya?


“Sorry na please. Taga-Batangas po kasi ako, at hindi malapit ang MOA sa lugar ko kaya imposible ang hiningi mo sa aking pabor kanina. Hindi mo naman ako hinayaan magpaliwanag eh, binaba mo agad ang telepono.”
“Haha…” sabay tawa ko ng malakas. “Eh di naisahan din kita. Nakabawi rin ako sa pang-i-indian mo sa akin. Napag-alala kita noh? Haha”


“Anak ng…niloloko mo lang ba ako?”
“Teka wag ka muna magalit. Hindi kita ginud-time. Nalulungkot talaga ako sa hindi mo pagsipot pero kasi kahit magmuk-mok ako dito, hindi naman mababago ang katotohanang, WALANGHIYA ka!”

Pilit ko na lang pinatawa ang aking sarili. Pero sa totoo lang ay nakababad na ang aking paa sa malamig na tubig ng Manila Bay. Konting usad na lang ay katapusan ko na.


“Grabe ka talagang babae ka, pinakaba mo ko dun ah. Pwede maghanap ka na lang ng ibang mapapag-tripan mo.”


“Sino ba naman kasi nagsabing pinagtri-tripan kita? Nalungkot ako na hindi ka nagpunta, excited pa naman ako. Para akong tanga sa loob ng Tokyo-Tokyo, hinihintay ka. Ni wala man lang lumapit sa akin at pumansin. Ultimo mga crew hindi man lang ako tinanong ng order ko. Nagugutom na ko kaso hindi ko magawang kumain ng wala ka pa, wala kasi akong pera. Nakatulog nga ko sa loob. Nagising na lang ako nang nagsasara na sila. Narinig kong ibinababa na nila yung… yung gate ba tawag dun sa bakal na yun? Ewan ko ba. Basta sumigaw na lang ako ng sandali pero di niya ko pinansin. Amp! Kinailangan ko tuloy gumapang sa halos naka sayad na sa sahig na gate nila. Kung hindi ko pa ibinagsak yun isang upuuan sa tabi ko eh hindi pa ko mapapansin.”

“Ganun ba?” narinig kong pag-iiba ng kanyang boses. Halata ang pag-aalala sa boses ng kaninang lalaking nang-gagalaiti ng galit sa akin.
“Pasensya na talaga, ba naman kasing napakalayo ng Batangas sa MOA eh.”
“Baket wala na ba sa Pilipinas ang Batangas ngayon? Sa pagkakaalam ko eh nasa mapa pa ng Pilipinas ang Pasay at ang Batangas. Sabi nga ng matatanda, kung gusto marameng paraan, kung ayaw marameng dahilan.” yamot kong sagot.


“Ano ka ba, nagso-sorry na nga eh. Kung ayaw mo tanggapin ang sorry ko eh di wag. Huwag mo lang sabihin na magpapakamatay ka dahil linya ko yan eh. Ako dapat ang patay na ngayon diba?”


“Aba! Iniligtas na nga kita sa tiyak na kamatayan at inilayo sa mga matang mapang-husga. Kung patay ka na ngayon, sa tingin mo ba matatahimik ka kung sa araw-araw eh topic ka ng buong baranggay nyo. Malamang trending ka na rin sa Twitter ngayon at may kumakalat na rin fan page ng katangahan mo sa Facebook na yun mismong ex-girlfriend mong si Kathy ang may gawa”
Teka! Mukhang dapat ata sa sarili ko sinasabi ang mga ito ah. Ako tong halos lamunin na ng dagat kung hindi lamang sinagot ng lalaking kausap ko ngayon ang kanyang telepono.


“Oo na, me tama ka na nga sa sinabi mo. At baket kilala mo si Kathy?”


“Alam ko tama ako. Kelan ba ako nagkamali? At paanong hindi ko makikilala si Kathy eh wala kang bukang bibig sa kwento mo kagabi kundi ang pangalan nya. Nagseselos na nga ako eh.”


“Selos? Sira ka na talagang babae ka.”


“Oh sya, dahil malaki ang kasalanan mo sa akin at malaki rin ang utang na loob mo sa akin. Dapat ka bumawi?”


“Anong bawi nanaman pinagsasabi mo? Papupuntahin mo nanaman ako dyan? Imposible nga yun ineng.”


“Hindi kita papupuntahin dito, simple lang gusto ko, kantahan mo ko.”


“Kantahan? Hindi ako dj at hindi ako singer. Pwede ba tigilan mo na ko.”


“Wala akong pakialam kung hindi ka man dj o singer. Grabe ka naman parang kanta lang. Hindi mo na nga ko sinipot eh, ni text or tawag hindi mo ginawa. Ganun ka ba talaga kasamang tao?”
Nang-gigigil nanaman ako sa kanya. Hindi naman siguro ganun kahirap magtext o tumawag eh. Kahit pa man hindi nya ko kakilala, kung alam nyang hihintayin ko sya, sana kahit piso hindi nya pinanghinayang itext ako.


“Text? Tawag? Alam mo bang unknown number ang nakarehistro sa cellphone ko? Walang kahit isang number ang lumalabas? Paano kitang tatawagan? Paano kitang i-tetext? At hindi ko naman din alam kung seryoso ka sa sinabi mong maghihintay ka.”
Aba’t nagsisinungaling pa itong mokong na ‘to? Alam ko naman mag-papalusot ka sa kahit ano pang paraan. Pero hindi naman ako tanga. Pwede ba yun? Walang lumalabas na number sa phone nya? Binili kong simcard na to, at bumili rin akong 300 na card load. Bago pa man ako makarating sa kung saan eh tanda kong iniload ko yun. Hindi ko man din alam number ng sim ko dahil itinapon ko na ang card na kasama nito kung saan nakakabit ang sim.

Sa akin pa magsisinungaling talaga magsisinungaling tong mokong na ‘to. Professional liar kaya ako, kaya ng ko nag-abogasya eh. Kaso nakapasa ako sa mga professor ko dahil sa galing ko sa pagsisinungaling at pagpapalusot, kaya nung pagdating ng bar exam, nga-nga ako.


“Naku palusot ka pa! Hindi bebenta sa akin ang excuse mo, kaya kung pwede kumanta ka na. Please…”


“Nakow miss, pwede ba?”
 
“Kung hindi ka kakanta, tatalon ako dito! Isa…dalawa…tat…”
Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang
Tulad mo ba akong nahihirapan
Lalo't naiisip ka
Di ko na kaya pa na kalimutan
Bawat sandali na lang

At aalis magbabalik
At uulitin sa sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman

Sa isang marikit na alaala'y
Pangitaing kay ganda
Sana nga'y pagbigyan
Na ng tadhana
Bawat sandali na lang
Sumabay sa biglang pagkabahala't
Lumabis sa pananadya
Tunay na pagsintang di alintana
Bawat sandali na lang

At aalis magbabalik
At uulitin sa sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang

At aalis magbabalik
At uulitin sa sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman


Chapter 7


Pucha!
Hindi ako makatulog. Grabe naman talaga yung babaeng yun. Pinakanta pa ko hanggang sa malobat na lang itong selpown ko. At tama bang hinihintay ko pa tawag nya hanggang ngayon? Ano ba naman kasing sumpa yung feeling piling mahal na princesa na yun. Baka kasi naman nagpakamatay na yun. Magui-guilty ba ako kapag nangyari yun? Pero sana huwag naman nyang gawin yun.

Pero. Tama ba yung kinanta ko? Nobela? Anak ng… si Kathy nanaman ang naiisip ko ngayon oh. Asan na ba ko kanina bago ko makatulog sa pagmumuni-muni ng nakaraan naman ni Kathy? Ah yung pustahan namin...

"Ano ba Kathy, pano ako magkakasyota niyan kung lagi kang nakadikit saken?" breaktime nun at nakakuyabit pa saken na nag-aaya sa canteen.


"Hoy kentot masyadong malaki ang isasakripisyo ko pag natalo ako sa pustahan, kaya normal lang naman na gumawa ako ng paraan para wag matalo di ba?"
Ewan ko ba kung bakit naisipan ng hitad na yun na dugtungan ng tot ang pangalan ko, ang sagwa na tuloy pakinggan. Ang dame niyang mga pausong alyas, pati ang napapanot pa lang na titser namin sa mathematics ay tinawag nyang kalbo. Kay inay ay mamita at saken nga ay kentot, ang sagwa talaga!


"Eh paano nga ako sasagutin ng mga liligawan ko kung nakikita tayong gento sira-ulo!"


“Eh di aminin mo na lang na talo ka na, at kalimutan na lang naten ang pustahan."
"Hinding hindi, ihanda mo na ang sarili mo dahil siguradong matatalo ka!" pagtitiyak ko kay Kathy habang pinipindot ng gitnang daliri ko ang kanyang noo.

Naging ganun ang set-up namin araw-araw sa iskul. Kasalo sa recess, kasama sa lahat ng oras na kulang na lang eh pati sa kubeta ay sumama. Baka daw takasan ko siya. At ito pa ang mas malupit, hiniling nya sa titser na ilipat sya ng upuan malapit saken. Ewan ko lang kung anong hokus pokus ang ginawa nya at napapayag nya ang balo naming maestra.

Kasabay sa pagpasok sa umaga, at sa hapong uwian. Palibhasa'y magkapitbahay lang kame at dalawang kanto lang ang pagitan ng mga bahay namin. Laging nakakuyabit ang hitad. Para aninong bubuntot-buntot.

"Anong iniisp mo?" tanong ni Kathy pagkatapos akong gulatin mula sa likod ng inuupuan kong stage. Awasan na nuon at pinapanuod ko ang mga estudyanteng nag-uunahan sa paglabas ng gate. Ayoko kasi ng nakikipagsiksikan. Nakakatanga lang isipin kung bakit ayaw isagad ang pagkakabukas ng gate upang hindi magsiksikan sa paglabas ang mga mag-aaral. Tanging yung maliit na pintuan lang ang pinapadaanan, pero pag may darating namang sasakyan eh nakikita kong binubuksan ng guard, hanep!

"Wala naisip ko lang 'yung tungkol sa pustahan naten." sagot ko.

Wala naman talaga akong iniisip eh, kaya iyon na lang ang sinabi ko. Sa totoo lang kasi iniintay ko lang na magluwag sa gate at gusto ko na ding umuwe, manonood pa ako ng ghost fighter.

"Bakit naman?" sagot nya.

"Anong bakit naman, mukhang matatalo nga ako." Sabi ko habang umupo na din siya tabi ko. "Eh matanong ko lang Kathy, wala ka bang nagugustuhan sa mga admirers mo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Actually meron akong gustong guy eh, pero i think hindi nya ako gusto." sabi nya na nagpalingon saken at nagkadikit ang aming mga mukha.

Parehas kaming natulala. Akala ko eh itutulak nya ako, pero imbes na magalit, ipinikit nya ang kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit nya yon ginawa.

At lakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig lang sa kanyang mukha. Ngayon ko lang nagawang titigan ng malapitan si Kathy. Madalas kasi tinatakbuhan ko siya pag nasa iskul na kame na kinakayamot nyang palagi. At ang siste, habulan sa campus. Para kaming mga batang nagtatayaan. Walang pakialam sa mga nakakakita.

Palibhasa'y solong anak kaya spoiled ang kumag. Possesive, hindi ko makakalimutan kung paano niya agawin ang brickgame ko kahit nga nilalaro ko pa. Ano pa daw silbi ng existence nya kung hindi siya ang kalaro ko. Ang taray lang ng mga banat eh!

"Kathy ang ganda mo." bulong ko at dali-daling tumayo at tinakbo ang gate.

Totoo ang sinabi ko, ang ganda ni Kathy ngayong hayskul na kame. Maalam na kasing mag-ayos, ang bag na dala ay laging may lamang pulbos.

"Ha anong sabi mo?!" habang tumatakbo din sa paghabol saken.

"Wala sabi ko bukas may parada ng mga binge!!" sigaw ko ding pabalik sa kanya.

Kinotongan nya ako pagkatapos maabutan. Hanggang ngayon hindi pa din ako sure kung babae ba siya talaga, bukod sa ang bilis nyang tumakbo, ang lakas pa niya manuntok.

"Gago ka ah, nakakasakit ka na!" sabay hila kong pataas sa kanyang suot na uniporme.

Namula siya pagkatapos, nakalimutan ko dalaga na pala siya. Pakiramdam ko nama'y may mga libo-libong boltahe ng kuryente ang nanulay sa aking katawan makaraang madakma ko ang maumbok nyang dibdib.

"Kathy sorry!" ako naman ngayon ang naghahabol sa kanyang mabilis na paglalakad.

"Kathy, Kathy sorry na please, hindi ko sinasadya!”

"Sorry-hin mo'ng mukha mo!" yamot nyang sagot.

Hindi na ako nag-taka kinabukasan. Hindi sumabay pagpasok ang kumag, akala ko eh magpapalipas lang ng sama ng loob ang walangya. Pero natapos ang 2nd year ng wala ng pansinan. Iniirapan nya ako pag nagkakasalubong kame. At hindi na din siya sumasabay sa pagpasok at pag-uwe.

Sa unang pagkakataon ay namiss ko siya. Napapangiti na lang ako pag binalikang tanaw ko ang mga nakaraan namin, dalaga na nga ang bilot. Tawag ko kay Kathy pag nang-aasar ako. Hindi nya lang alam na kaya ganun ang tawag ko, kasi para siyang tuta. Ang liit at ang kyut.

Hindi ko naman sinasadya eh ay ang selan as in grabe. Eh noon namang mga bata kame, hubo't hubad kameng pinapaliguan sa gripo ni inay. Ano pa ba'ng itatago nya sa'ken?

Kelangang magkabati kame, isang hapong uwian inabangan ko siya sa gate. Iiwas pa sana pero nahila ko kagad ang bag nya.


"Hoy boyfriend ka ba ni Kathy? Bitawan mo nga siya!"
Halos pasigaw na sabi ng isang estudyanteng lalake. Sasagot pa sana ako pero, lumapat na sa mukha ko ang swelas ng suot nyang rubbershoes. Mahihimatay na sana ako sa sakit ng tadyak buti na lang nahawakan ako ni Kathy.

"Langya kelangan pa talagang magpasipa ako sa mukha, bago ka makipagbati ha?" singhal ko kay Kathy nung masolo na namin ang crimescene. Sumawa na sa panonood ang mga usisero, ang hina daw kasi ng bidang lalake. Bumagsak sa isang flying kick lang.

"Hahaha…” tawa ang naging tugon nya sa tanong ko.

Gusto ko pa sanang mag-alburuto pero ok na din atlis nagkabati kame. Gasino lang ba ang putok na nguso, buti nga hindi ako nabingutan.

"Tara na umuwe." hila nya saken mula sa pagkakaupo sa gater ng kalsada.

"Uy ibabad mo kagad sa klorox yan ha?" turo nya sa polo kong naduguan.

"Wow salamat sa concern. Wag na, itatapon ko na ito." napipikon kong sagot.

Akala ko'y maglalambing siya dahil sa sinabi ko pero imbes na manuyo, binatukan pa ako.


"Gago matatanggal pa yan, ibabad mo lang kagad"
Naging ok na ulet kame. Kinabukasan balik sa dati ang lahat, pero minsan naiisp ko na sana ay hindi na lang pala kame nagkabati. Pagkatpos kasi mangyare 'yung pinag-awayan namin, parang naiilang na ako na hindi ko naman pinapahalata sa kanya.

Halos nasuybaybayan ko naman ang paglaki at pagdadalaga nya pero pakiramdam ko'y araw-araw siyang gumaganda. Palihim na akong kinikilig sa bawat pag-akbay nya. Buti hindi nya nahahalata ang pasimple ko'ng paghawak sa kanyang kamay, kunyare apir. At nung minsang pinahigop nya ako sa sofdrinks nya, hindi ko na naitago ang saya.

"Uy KF!" sabi ko


"Anong KF?"
Buti hindi nya nagets na kinikilig ako.

"It means ang kind mo friend." pagsisinungaling ko pero Kilig Factor naman talaga ang ibig sabihin nun. Natatawa na lang ako kasi ginamit na nya din ang term na yun pag may ginagawa ako para sa kanya. KF Much naman eh, pramises!

Sa wakas tao na ako, sabi kasi ng kaklase ko hindi daw ako tao kasi hindi pa daw ako naiinlab. Pero hindi ko alam kung paano ko aaminin kay Kathy, malamang hagalpak lang yun ng tawa pag sinabi kong gusto ko siya. Aakalain lang nun eh nanggugoodtime ako. Suntok sa buwan ang isiping magiging kame, para lang akong umakyat sa punong malapit ng matumba.

Hindi pa man ako nag-uumpisa, alam ko na ang kakahinatnan. Kikimkimin ko na lang, baka sakaling maging kabag atlis pag-utot ko ok na ako. Ngayon ako naniniwalang weak si kupido, papana lang hindi pa asintado. Bukas talaga hindi na ako maniniwala sa valentines day!

Pero sabi nga ng mga makata, mapagbiro daw ang tadhana. At hindi ko inakala na sa mismong araw ng mga puso ito magbibiro sa mga puso namin ni Kathy. JS namin nun eh, wala sana akong balak umatend, napakiusapan lang ako ni ninang. Wala daw makaksabay pag-uwe si Kathy, aabutin nga naman ng hatinggabi.

Tatanggi pa sana ako pero hindi ko na matagalan ang panghihipo ni ninang, akala ata totoy pa din ako. Siya na lang ddaw ang babayad sa aarkilahin kong amerikana. Kaya oo na lang ako.

Eh tutal wala naman talaga akong balak dumalo, pinatos ko na lang ang kalokohan ng mga kaklase kong gaya ko'y wala namang kadate. Kanya kanyang labasan ng sama ng loob, ganun pala epekto ng alak. Nagiging madrama at madaldal ang isang tao. Nasasabi ang lahat ng gusto, walang preno.

"Lagot ka dude, yan na ang syota mo." at nilingon ko din ang babaeng tinutukoy nila. Si Kathy sa may pintuan ng classroom..

"Gago anong ginagawa mo, pag nahuli kayong nainum lagot kayo." sermon nya habang hinihila na ako pauwe.

"Ayoko pang umuwe!" tutol ko."Saka di ba usapan naten akong last dance mo ha, tara sayaw tayo." walang preno kong pagsasalita.


"Bakit may naisayaw ka ba kahit isa, di ba wala? Anong last dance pinagsasabi mo. Uuwe na tayo lasing ka na!"
"Ok uuwe tayo after naten magsayaw" na naipilit ko naman.

Magkadikit ang aming katawan sa saliw ng magandang awitin.


"Kathy mahal kita, nuon pa."


"Lasing ka lang."


"Hindi ako lasing, nuon pa kita gusto natatakot lang akong aminin sayo baka isipin mong nagbibiro ako"

Inilapiit ko pa ang ang mukha sa kanyang mukha dahil baka hindi nya madinig ang sasabihin ko, malakas ang tugtog. At muli pinikit nya ang kanyang mga mata kagaya lang nung unang nagkadikit ang aming mga mukha, uulitin ko sanang mahal ko siya pero sa halip na magsalita, nahalikan ko siya.


-- by waxxy




Chapter 8

Kring Kring!! Kring Kring!!
“Good morning to my concert king.” masigla kong bati.


“Ikaw nanaman?”


“Asan ka?”


“Nasa impyerno.”
“Impyerno? May signal pala dyan?” pabiro kong sagot


“Baket nanaman ba kasi?”


“Inis ka nanaman agad. Gusto ko lang po sana mag-thank you sa’yo sa ginawa mong pang-aaliw sa akin kagabi. Kahit na inindian mo ko sa usapan natin eh nakabawi ka naman.”


“Usapan? Ikaw lang naman ang nagsabing magkita tayo at hindi naman ako sumang-ayon diba?”
Nag-umpisa nanaman ‘tong mokong na to. Pasalamat ka’t maganda ang gising ko. Ewan ko nga lang ba baket pagmulat ng mga mata ko eh nasa kahabaan na ko ng slex sakay ng isang di-aircon na bus. San ba to pupunta? Hindi ko na maalala kung paano akong nakasakay dito, marahil sumakay ako kanina matapos akong abutan ng bukang liwayway sa tapat ng dagat ng Manila Bay.

Naglakad-lakad lang ako kanina matapos makita ang sunrise. Nang mapagod ay marahil sumampa na lamang ako sa bus na ‘to. San kaya punta nito? Sa pagod at puyat ko’y hindi ko na nagawang tignan ang ruta ng bus na ‘to. Bayad na kaya ako? Hindi naman ako siningil ng driver. Pero wala naman akong pera kaya malamang hindi pa ako bayad.


“Oo na, ako naman lagi me kasalanan eh. Kelan ba ako may nagawang tama sa buhay ko. Hmp!”


“O nag-eemote ka naman dyan. Huwag ka kasi nag-a-adik eh para hindi kung ano-ano pumapasok sa kukote mo.”


“Ang saket mo mag-salita ah. Hindi ba ikaw itong sira-ulong tatalon sa building dahil lang hiniwalyan ka ng puppy love mo.”


“Uy uy, hindi puppy love yung si Kathy, one true love ko yun. Kaya nga hindi ako makapaniwalang hihiwalayan ako ng unanong yun.”


“Kasama mo talagang tao, sinasabi mong mahal mo pero kung laitin mo naman wagas!”
Hindi ko talaga ma-gets ang mga kalalakihan. Sasabihin mahal daw pero kung saktan at lokohin kameng mga babae ay ganun-ganun na lang. Akala ko yung baklang ex-boy friend ko lang ang ganun, lahat pala ng lalaki.

Naalala ko kung paano laitin ng walang-hiya kong ex ang mga damet ko, ang ayos ng buhok ko at ang simpleng make-up ko. Ilang na ilang tuloy ako sa tuwing panget ang tingin nya sa akin. Panay naman ang tingin ko sa salamin pero wala naman akong nakikita sa harap ng salamin kundi isang DYOSA!

Akala ko naman concern sa akin ang loko, yun pala ay insecurada lang ang bruha.


“Hindi ako masamang tao, mahal ko si Kathy. First and last love ko sya. One and only. Umabot kame ng ganitong katagal, hanggang kahit grumaduate kame ng high school at mag-college sya sa Manila at makatapos. Kaya nga ikamamatay ko ang pagkawala nya.”


“Aba may soft side ka rin pala eh no? Teka nga, eh baket nga kasi kayo naghiwalay?”


“Hindi ko rin alam. Isang araw nakatanggap na lang ako ng tawag mula sa kanya at nakikipag-hiwalay. Wala akong matandaang away namin bukod sa panliliit sa akin ng mommy nya. Dahil daw sa kasi high school graduate lang ako at wala syang magandang future sa akin.”


“Now I get the picture. Pero eh baket hindi ka ba nag-college?”


“Hindi na kaya ni inay eh. Kaya pag-ka-graduate ng high school ng work na ako. Pero kahit ganun pa man, wala naman akong balak patayin sa gutom si Kathy. Tinipid ko ang sarili ko, marame na nga ako ipon para sa kinabukasan namin. Tapos ganito, ganito lang? Iiwan nya ko. Para san pa ang mabuhay?”


“Huu, ang drama naman. Hindi bagay sa’yo!”
Ngayon maliwanag na sa akin ang lahat. Kaya pala ganun na lang ang kadramahan nito nung isang gabing magpapakamatay sya. Pero sayang naman kung mawawalan ng say-say ang buhay nya dahil lang sa isang sawing pag-ibig.


“Anak ng… Nakapagdrama na pala ko. Ang dame mo kasing tanong eh. Sige na at marame pa akong gawang computer ngayon. Mabubulyawan nanaman ako ng boss ko nito. Absent na ko kahapon tapos ngayon nama’y nakikipag telebabad.”


“Alam mo, buti na nga lang at hindi ka namatay nun isang gabi. Sayang naman kasi ang buhay mo kung mawawala ng ganun-ganun lang. Saka hindi pa naman katapusan ng mundo. Malay mo may ibang laan para sa’yo. Be patient. Patience is a virtue.”

“Nakow wag mo nga ko sermonan at inglisen. Ikaw nga tong kagabi eh muntik na rin sumama kay kamatayan.” panunukso nito.

“Pero alam mo naisip ko rin lang, minsan meron isang dapat mamatay para may isang mabuhay.”


“Ano naman kasabihan yan? Ngayon ko lang ata narinig yan?”


“Kasabihan ko. Uso naman ang mga quotes ngayon. Haha. Teka nga, mamaya ay maguupdate ako ng Facebook at isusulat ko ang linyang yan. Ilan kaya ang mag-li-like?”
“Aray naku pow!” sigaw nya.

“Oh baket?” pag-aalala ko naman.


“Napaso na ko sa ginagawa ko. Tigilan mo na nga kasi ang kwento.”


“Asus! Kunwari pang galit to, sa totoo lang hinihintay mo naman tawag ko diba?”


“Asa! Lakas talaga ng tililing mo no?”


“Ayeee, nakikita ko naka-smile ka.”


“Aba’t…”


“Huwag kana magkaila, nakikita ko ang mga crooky teeth mo oh. Haha.”
 
“Crooky teeth?! Ewan ko sayo. Sige na bye.”
Tuuuuuuuuuuuuuuuuuuut
“Teka…Binabaan nanaman ako ng mokong na yun ah. Nga-nga nanaman ako. Ano ba namang buhay to? San na ko pupulutin ng paglalayas kong ‘to.” Nag-iisip-isip pa ko ng makita ko ang konduktor na papalapit.


“Hala ayan na yung kundoktor? Naku wala naman akong pera, paano na to?”
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring tulog. Mahirap ng masingil at mapababa ng wala sa oras. Hindi ko man alam kung san ako dadalhin ng bus na ‘to, pero sigurado akong ihahatid ako nito sa tamang lugar.

Ramdam kong bumibilis ang tibok ng aking puso habang papalapit na sa akin ang kundoktor. “Hala andyan na sya.”


“Miss san ka?”
Dedma ako. Kunwari himbing ang aking tulog.

“Miss san ka bababa?” pag-uulit nyang tanong.
“Ay sorry manong. May katext kasi ako eh.” Sagot ng babae sa kabilang upuan.
“Tanauan lang ako.”

Isang malaking relief ng bumalik na sa driver ang kundoktor. “Hindi ako nasingil, yes! Galing ko talaga. Pwede pala kong artista eh. Pero san daw ang baba ng babae kanina? Tanauan? Batangas yun ah. Si emokong sa Batangas daw nakatira. Sabi ko na nga ba at sa tamang destinasyon ako dadalhin ng bus na to eh.”
Kring Kring!! Kring Kring!!
Kring Kring!! Kring Kring!!
Kring Kring!! Kring Kring!!
“Aba’t ayaw sagutin ah. Baket ba naman kasi itong cellphone ko ay ayaw gumana ng text messaging? Puro failed eh meron naman akong load. Hays!”
Kring Kring!! Kring Kring!!
“Ang kulit mo naman eh, nasa work nga ako. Marame akong rush!” yamot na sagot ni emokong.


“Galet agad galet! Relax ka lang. Hindi naman magtatagal tawag ko.”


“Ano nanaman kasi. Ambilis mo naman kasi ako ma-miss eh.”


“Asus me pamiss-miss pang nalalaman to! Tanong ko lang kung san ka sa Batangas nakatira?”


“Baket pupuntahan mo ko?


“Baket hindi. Malay mo, ilang minuto lang andyan na ko sa harap mo.”


“Sira ka na talaga siguro no?! Sa Tanauan ako, Tanauan Batangas. Sa bayan lang ng Tanauan, pagbaba mo ng bus, konting lakad lang may 7/11. Sa tapat nun ay ang shop na pinagtra-trabahuan ko.”


“Ah…ok noted boss.”
 
“Asa namang pupun…”
Tuuuuuuuuuuuuuuuuuut
Pinutol ko na ang usapan dahil alam ko naman puro kalapastanganan lang ang maririnig ko mula sa kanya.

“Humanda ka emokong, su-surpresahin kita. Haha” nakangiti akong nakatanaw sa labas ng bus. Parang gusto kong pabilisin ang takbo ng bus para makarating na sa Tanauan. Excited akong makita ang lalaking palagi kong kausap.








Chapter 9

“Anak ng… Gago ka talagang babae ka. Asa naman makakarating ka dito sa lugar namin. Grabe talaga asal nung babaeng yun, akala mo prinsensang walang mapag-tripan eh. Wahaha.” hagalpak kong tawa.


“Pero baket ganito ang pakiramdam ko. Para akong kinakabahan na naeexcite. Paano kaya kong totoong darating sya?”
“Imposible Ken, hindi sya makakarating dito.” Pag-gigising ko sa sarili ko. “Walang matinong babae ang tatahakin ang Manila papunta dito sa Batangas. Kung si Kathy nga ay hindi magawa yun, yun pa kayang sira-ulong prank caller na yun.” Pilit nyang pangu-ngumbinsi sa sarili.


“Ito ngang unanong si Kathy ni hindi man magawang itext o tawagan ako. Kahit pa man alam nyang magpapakamatay ako eh parang wala man lang pag-aalalang kamusatahin ako. Hayup! Hayup talaga! Ilang taon din ang ginugol ko sa kanya. Ilang taong pagmamahal na nabalewala lang ng ganun ganun.”

“Pero infairness napapangiti nga ako ng mystery caller kong yun. Kahit na puro walang kwenta usapan namin eh kahit papaano ay nakakalimutan ko si Kathy. Tulad ng sinabi nya sa telepono, merong laan para sa akin. Teka! Baka naman sarili nya ang tinutukoy nya? Parang tanga lang ah. Wahahaha”
“Pero pasalamat na rin sa kanya at buhay pa ako ngayon. Hay, napakawalang-hiya mo talaga Kathy! Sinayang mo ang pagmamahal ko. Sinayang mong lahat!” pasigaw kong sabi sabay bagsak sa kung ano mang hawak-hawak kong bagay.

Sa paghihimutok ko ay hindi ko na namalayang may isang laptop na akong napagbabalingan ng galit. Nasa trabaho nga pala ako.


“Nyay! Patay ako nito kay boss!”

“Hoy Flores ano yang pinag-ga-gagawa mo ha? Taga-gawa ka ng computer hindi taga sira.” Umuusok na ilong ng boss ko.
“Pasensya boss! Hindi sinasadyang nabagsak”

“Hindi sinasadya? With feelings pa ang pagkakabagsak mo with matching dramatic lines. May sinayang ka pang sinasabi dyan? Sayang talaga yan kapag nasira mong lalo…imbes na kumit ay magbabayad pa tayo kapag nagkataon.” Nanggagalaiti nitong sabi.

Anak ng teteng, hindi ko napansin na kanina pa ko pinapanood ng boss ko. Feel na feel ko pa naman ang pag-e-emote. Kasalanan lahat to ni Kathy at ng babaeng tawag ng tawag. Wala talagang magandang maidudulot ang mga babae sa buhay ng mga lalaki.


“Simula bukas woman hater na ko!” sigaw ng utak ko.


“Hoy ano nanaman yang woman hater na pinagsasasabi mo ulol ka?”


“Narinig mo boss?”


“Panong hindi ko maririnig eh napakalas mong bumulong?”


“Putek naman oh dude. Lumabas ka na nga muna.”


“Ayusin mo yan laptop Ken ha. Kukunin na yan ngayon.”


“Oo na dude, gagawin ko naman eh.”


“Dude ka dyan? Tropa nga tyo pero pagdating sa trabaho, boss mo pa rin ako.”
Kelangan ba talagang sabihin pa sa kin nito ang katotohanang naka-angat sya ng konti sa buhay. Ito bang shop na to pinagmamalaki nya? Eh kung wala naman ako dito malamang eh walang customer na pumasok dito. At kung susumahin eh kung gagamitin ko lahat ng ipon ko eh mas malaki pa dito ang kaya kong ipatayo.


“Nga pala Flores, may babaeng naghihintay sa’yo sa labas.”
“Babae?” pagtataka kong tanong. “Sino naman kaya yun?” nakaramdam ako ng kaba. “Hindi kaya si...”
Kring Kring!! Kring Kring!!
--> by waxxy






Chapter 10

“Tanauan! Tanauan! Yung mga bababa dyan pakibilis lang oh.” Sigaw ng kundoktor ng makarating kame sa Tanauan Batangas.
“Nandito na ako.” Excited na kinakabahan kong sambit.

Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan, baka mahuli ako ng konduktor na hindi nagbayad. Nakipagsiksikan ako sa mga nagsisipag-babaan.


“Sana hindi nya ko mapansin. Kelangan ko bilisan.”

“Miss...” tawag ng konduktor. Napahinto ako, lilingon ba ko?
“Miss...” muli nyang tawag.

Waaaaaah, deadma na lang. Tutal nandito na rin naman ako. Alangan naman pasakayin nya ulit ako sa bus nila. Nakikiramdam ako, buti na lang at hindi na muli akong tinawag ng konduktor, umalis na rin yun bus.

“Hay…buti na lang. Teka, andito na ko. Ano nga ba sinabi ni mokong? 7/11 tapos may shop daw.” Hindi naman nagkamali ang aking pagkakatanda. Nasa harap na ko ng shop nila. Wala naman ibang shop ditto kundi itong isang ‘to.


“This is it!”
Nilapitan ko ang lalaking nagyo-yosi sa tapat ng shop. May kausap ata sa telepono. Tinitigan ko sya at hinintay na matapos sa kanyang kausap. Nang matapos syang makipagbolahan sa mukhang babaeng kausap nya sa telepono ay napatingin sya sa lugar ko.

“Hi. Andyan ba si…?” agad kong tanong.

“Uy kanina ka pa ba dyan? Pasensya na may kausap kasi ako kanina kaya hindi kita napansin. Sandali at nasa loob sya. Tatawagin ko lang.” mabilis naman nyang sagot.

“Aba at mukhang pinaabangan ata talaga ako ng mokong na yun sa katrabaho nya ah.“ sabi ko sa sarili. “Pero paano bang gagawin ko? Kinakabahan ako. Baka mamaya mo iba ang lumabas at humarap sa akin at hindi sya. Napaghandaan nya ang pagdating ko.“

Medyo natagalan ang lalaking bumalik mula sa loob. Lalo akong kinabahan.

“Ah, matawagan nga sya para walang kawala. Para malaman ko rin kung totoo syang ang lalabas dito sa shop at magpapakilalang si mokong.” Isip-isip kong muli.
Kring Kring!! Kring Kring!!
“Hello!” galit na sagot ng lalaki sa telepono.

Hindi ko na ito nasagot ng makita ko na syang lumabas ng shop. Pinatay ko ang telepono at mula sa gilid ng shop ay nakikita ko syang naghahanap. “Hinahanap nya na ata ako.” Bulong ko.

“Hello! Hello! Hoy babae sumagot ka.” Dinig kong sigaw nya sa telepono. Hindi nya ata namalayang wala na sya kausap sa kabilang linya. Ginawa ko ay kinawayan ko na lang sya. Pero hindi ata ako napansin at patuloy sa paghahanap.

“Dedma ako ah! Masigawan nga. EMOKONG!” napalakas ang sigaw ko, mukhang effective naman. Napalingon sya sa aking pwesto. Nakita ko ang pagbabago ng kanyang mukha. Napasimangot sya at mukhang galit. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.

“Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Baket andito ka?” galit nyang sabi.


“Gulat ka no? Sabi ko naman sayo pupunta ako eh. Hindi ka ba natutuwang andito ko at dinayo ka.”
“Ano sumagot ka? Baket andito ka? Matapos mo ko hiwalayan ay may gana ka pang magpakita sa akin?!” isang sigaw mula sa kanya.

“Hala may sayad ka ba mokong ka?! Hindi ako si Kathy! At for sure mas maganda ako sa kanya.” Sagot ko naman.

“Ikaw lang pala ang sinasabing naghahanap sa akin, kung alam kong ikaw lang eh di sanay hindi na ako nagaksayang labasin ka.”


“Bastos ka ah! Nag-eeffort na nga ko eh. Kung ayaw mo wag, uuwi na ko!“
“Teka san ka pupunta?” tanong nya.

“Ayeee, sabi na nga ba gusto mo rin ako makita eh, kunwari ka pa dyan.” napakalaki ng smile sa aking mukha. Hindi nasayang ang pagpunta ko. Hahakbang na nga ako papalapit sa kanya ng mapansin kong tumakbo sya patungo sa lugar ko.

“Aba mukhang aakapin pa ata ako. Feelingero ka rin noh?” kilig kong sabi. Ngunit lumagpas sya sa akin.


“Kathy sandali, mag-usap tayo. Huwag mo ko talikuran!”
Napalingon ako sa aking likuran. Nandun si Kathy ang ex nya.

“Baket ganun? Andito ako sa harapan baket si Kathy ang kanyang nakita. Baket?”
 
“Te-teka! Ahhh! Nahihirapan ako huminga!Sandali! A-Ano to…?”




Chapter 11
Kring Kring!! Kring Kring!!
“Hello” sagot ko sa aking selpown habang nagmamadaling lumabas ng shop

“Hello! Hello! Hoy babae sumagot ka.” Napipikon kong sigaw.

Pagkalabas ko’y palinga-linga ako sa paligid. Hinahanap ang babaeng naghahanap daw sa akin.

“Sabe ni boss eh may babaeng naghahanap sa akin dito. Yung bang mystery caller ko kaya yun? Paanong nakarating yun dito? Kundangan naman sinabi ko ang detalye ng pagpunta dito, akala ko naman kasi’y nagbibiro lang eh. Nakow, ano bang itsura noon?” bulong ko sa sarili.

Sa pag-ikot ng aking mata ay may isang babae akong nakita. Akala ko’y namamalik-mata lang ako. Kilala ko ang babaeng ito. Hindi ako nag-kamali. Ilang araw pa lang naman ang nakakalipas nang makipag-hiwalay ito sa akin. Papikit-pikit pa ako at panay batok sa aking ulo upang makasigurado.

Sigurado na ko, si Kathy nga ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Napasimangot ako. Ang excitement na nararamdaman ko kanina sa pag-aakalang ang mystery caller ko na ang dumating ay napalitan ng galit.

“Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Baket andito ka?” galit na tanong.

Hindi natinag ang babaeng nasa harap ko. Hindi man lang sumagot.

“Ano sumagot ka? Baket andito ka? Matapos mo ko hiwalayan ay may gana ka pang magpakita sa akin?!” isang sigaw ang aking pinakawalan. Hindi ko na mapigilan ang aking galit. Ngunit hindi sya muling sumagot.


“Ikaw lang pala ang sinasabing naghahanap sa akin, kung alam kong ikaw lang eh di sanay hindi na ako nagaksayang labasin ka.”
Muling katahimikan. Napansin ko na lamang ang kanyang pagtalikod kaya agad akong natauhan. Ang kaninang galit ay napalitan ng takot. Baka iwan ulit ako ni Kathy. Takot akong mawala sya.

“Teka san ka pupunta?” tanong ko ngunit tuloy-tuloy sya sa pagtalikod sa akin at hahakbang papalayo. Natakot ako kaya tinakbo ko ang kanyang kinaroroonan.


“Kathy sandali, mag-usap tayo. Huwag mo ko talikuran!”
Hawak ko na ang kanyang braso. Ayoko na itong pakawalan.

“Bitiwan mo ko Ken. Kelangan ko na umalis.“ Wika nya. Ngunit bakas sa kanyang boses ang lungkot.


“Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo sinasabi ang dahilan kung baket mo ko hiniwalayan.“

“Ken hindi ko ginustong saktan ka ngunit...“
Kring Kring!! Kring Kring!!
Napatingin ako sa aking selpown ngunit hindi naman ito ang tumunog. Kay Kathy pala ang tawag. Hinayaan ko muna syang makipag-usap sa telepono.

“Hello. Yes. Ano ho? Sige ho papunta na ko dyan?” kabado nitong tinig na para bang may nangyaring hindi maganda.

“Anong nangyari?” pag-aalala ko.

“Kelangan ko ng bumalik sa ospital. Mamaya na tayo mag-usap." sabi nya.


“Ospital? Baket? Sino nasa ospital? Anong nangyari?


“Saka ko na ipapaliwanag, kelangan ko na umalis.”


“Hindi Kathy, hindi na ko papayag na umalis ka. Sasama ako sa’yo“
Hindi na ako muli makakapayag na iwan ni Kathy. Isa pa kelangan nyang ipaliwanag kung anong totoong dahilan kung baket nya ako iniwan.

Sabay kameng umalis. Ni hindi ko na nagawang magpaalam sa boss ko. Bahala na bukas kung pagagalitan nya ko. Magreresign ako kung kinakailangan, basta kelangang magkaron ng liwanag ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Kathy.

Lulan ng tricycle patungo sa isa private hospital sa aming lugar ay hindi na ko makapaghintay sa paliwanag ni Kathy. Pilit ko syang tinanong ng mga pangyayari.

“Ano ba talaga nangyari Kathy? Baket mo ko hiniwilayan? At baket papunta tayong ospital ngayon?” sunod-sunod kong tanong.


“Mahaba kasing istorya Ken.”


“Mahaba? Wala ng hahaba pa sa mga gabing nagdaan mula ng hiwalayan mo ko. Handa akong making. Ipaintindi mo sa akin lahat Kathy. Tatanggapin ko ng maluwag ang paghihiwalay natin, basta mapaliwanag mo lahat, maintindihan ko lahat.”


“Si mommy. Si mommy ang dahilan ng pakikipaghiwalay ko sayo. Kung noon ay payag sya sa relasyon natin, nag-iba ang lahat ng bumalik sya ng Manila matapos ko makagraduate ng college. Sinabi nyang wala akong future sa high school graduate na katulad mo. Na computer technician ka lang daw at hindi mo ko kaya mabigyan ng magandang kinabukasan. Pero sinabi kong mali sya, na mahal kita.”
Nagsimula na sa pagpapaliwanag si Kathy, ako naman ay tahimik na nakikinig.

Tignan mo nga naman ang buhay. Dati-rati’y halos ipagtulakan sa akin ni ninang si Kathy. Sya pa mismo ang nanligaw kay inay para lang mahuli ang loob namin sa pamilya nya. Pagkatapos, dahil sa konting pag-asenso, kakalimutan nyang lahat ng mga pinagsamahan ng pamilya ko at pamilya nya.


“Pinilit ako ni mommy na makipag-hiwalay sa’yo. Pinapili nya ako sa inyong dalawa. Wala akong choice but to choose her. Nung tinawagan kita, nasa tabi ko sya at nakikinig. Kaya lahat ng masasakit na salita ay nasabi ko, ng hindi bukal sa aking puso.”
Sa oras na ito ay umiiyak na sya. Ay hindi, humahagul-gol nap ala. Hindi ko alam na ganito kahirap ang pinagdaanan nya. Ni hindi ko man lang naisip na hindi nya ginusto ang lahat.

“Mahal na mahal kita Ken, pero mahal ko din si mommy. Nung sinabi mong magpapakamatay ka, natakot ako pero kunwari’y wala akong pakialam para hindi mag-isip pa si mommy. Pero right after ng pag-uusap natin, hindi mawala sa isip ko ang huling sinabi mo. Ang pagpapa-kamatay. Kaya hinintay ko lang ang pag-alis ni mommy papuntang mall, tinakasan ko sya para puntahan ka.”

Sunod-sunod nyang paliwanag.

“Gusto mo ko maniwala sa kwento mo Kathy? Kung totoong pinagsasabi mong hindi mo ginusto lahat, baket ngayon ka lang nagpunta? Baket? Alam mo bang dapat ay ilang araw na akong patay.” Galit kong sabi sa kanya. Lahat ng mga nasabi ko’y mga tanong na gusto kong maliwanagan.


“Totoong pinuntahan kita Ken! Dumating ako sa bahay nyo nung araw na maghiwalay tayo, kaso sabi ni mamita ay wala ka…”
“Mamita gandang gabi po.”
“O Kathy napasugod ka?”
“Si Ken po?”
“May problema ba kayong mga bata kayo? Umalis si Ken ng lasing na lasing. Kow, kayong mga bata kayo oo.”
“Umalis po? San naman daw po nagpunta?”
“Aba malay ko sa damuhong yun. Bigla-bigla na lang umalis at ibinalibag pa ang pinto pag-labas. Ano bang nangyari sa inyo mga…? Aba’t hoy Kathy hindi pa ako tapos magsalita…!”

“Hindi ko na nagawang sagutin ang mamita, hinanap agad kita sa lahat ng mga katropa mo. Lahat sila ay hindi alam kung san ka nagtungo. Kinakabahan nako.”
“Magpapakamatay ako….”

“Paulit-ulit na parang echo kong naririnig ang huli mong salita sa akin. Para akong sirang nagtatatakbo. Umiiyak, kinakabahan.”


“Baket hindi mo ko tinawagan? Isang tawag lang naman ako Kathy. Mauunawaan naman kita.”


“Hindi ko dinala ang cellphone ko. Nung mga oras na yun ay wala akong nais gawin kundi ang puntahan ka kaya iniwan ko sa bahay ang telepono ko. Ayokong makausap si mommy, alam kong hindi nya titigilan ang kakatawag sa akin kaya iniwan ko ito. Nag-iwan na lang ako ng mensahe sa kayang nag-sasabing hindi kita pupuntahan, na gusto ko lang ng time mag-isa at huwag ka nyang tatawagan ganun din ang inay mo. Itong gamet ko ngayon ay ibinigay ng pulis sa akin para daw ma-contact ako just in case may mangyari.“


“Ospital nung una, ngayon naman ay pulis? Ano bang nangyari Kathy, naguguluhan na ko. Baket kelangan mo magpunta ng ospital at baket may involve na pulis?”


“Patapusin mo muna kasi akong magsalita Ken. Sa kahahanap ko sa’yo ay hindi ko na namamalayang kung san-san na ko nakarating. Hanggang sa pagtawid ko ng highway ay hindi ko na napansin ang pagdating ng isang kot...”
“Naaksidente ka Kathy? Ok ka na ba? San ka nasaktan?“ pag-aalala kong tanong habang iniisa-isang icheck ang parte ng kanyang katawan.


“Ano ba Ken? I’m ok. Hindi ako ang naaksidente. Makinig ka muna kasi.“


“Ok sige pasensya.“


“Isang kotse nga ang malapit ng sumalpok sa akin. Laking gulat ko nang lumiwanag ang aking harapan, hindi na ako nakagalaw, napapikit na lang ako. Akala ko ay katapusan ko na Ken. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko na lang ang isang kotseng nakasalpok sa poste ng meralco. Marahil ay iniwasan ako nito. Nanlambot ako. Pinilit kong ini-hakbang ang aking mga paa papalapit sa kotse. Kitang-kita ko ang isang taong tumilapon palabas ng sasakyan.“
 
“Homaygad, nangyayari pala ito sa totoong buhay. Nakakapangilabot naman ang istorya mo Kathy.“

“Hindi ko alam ang aking uunahin. Ang iligtas ka sa pagpapakamatay o ang iligtas ang taong naaksidente ng dahil sa akin. Dalawa kayong pwedeng mamatay sa mga oras na yun ng dahil sa kagagawan ko. Naguluhan ako, pero sa huli ay nakita ko ang sarili kong nasa ospital kasama ang isang taong duguan.“

Hindi na namin namalayan nasa tapat na pala kame ng operating room ng mga oras na yun. Nakita namin ang labas-pasok na mga nurse at doctor sa kwarto. Banaag ko kay Kathy ang pag-aalala.

“Doc ano pong nangyari?” tanong ni Kathy ng macorner nya ang isang lumabas na doctor.

“Bumaba ang kanyang vitals kaya agad ka namin tinawagan. Isinagawa naman agad ang operation na kinakailangan.” Sagot ng lalaking doctor.


“Kamusta naman po sya ngayon?”
“Miss ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya.” Yun na ang huling sinabi ng doctor bago muling pumasok sa loob ng kwarto.

Parang turumpo sa pag-ikot si Kathy. Banaag sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.

“Kasalanan ko lahat Ken! Kasalanan ko! Kundi dahil sa akin ay hindi sya mapupunta sa ganitong sitwasyon.” Humahagul-gol na sabi ni Kathy.

“Huminahon ka nga Kathy wala kang kasalanan. Kaya nga aksidente eh. Walang may gusto sa mga nangyari” Pang-aalo ko sa kanya.


“Commatose sya mula pa ng ipinasok ko sya dito. Tumama ang kanyang ulo sa poste ng meralco. Ganun kalakas ang impact ng aksidente na sya mismo ay tumilapon palabas. Kinailangan ko munang hintayin ang report ng doctor bago ko sana sya iwan dito sa ospital. Feeling ko lahat ay kasalanan ko...“
“Miss kaano-ano mo ang pasyente?“
“Wala po mamang pulis. Tamang ako lamang po ang nakakaski sa aksidente. Kaya ako din po ang nagdala sa kanya dito sa ospital.”
“Sigurado po ba kayo?”
“Opo.”
“Wala kasi kameng mahanap na identification card sa lugar ng aksidente at mismong sa biktima upang malaman ang pagkakakilan-lan nito. Sa ngayon ay chinicheck pa namin ang rehistro ng naaksidenteng sasakyan upang makakuha ng lead kung sino man ang biktima.“
“Ganun po ba? Paano po ang pamilya nya?“
“Naisin man nating matawagan ang kanyang pamilya, wala naman tayong lead. Maski ang cellphone na nakita namin sa pinangyarihan ng aksidente ay wala naman kahit anong laman. Ni isang contact, text o tawag ay wala. Sa ngayon miss, ikaw muna ang magiging contact namin at ng ospital na ‘to tungkol sa kaso nya.”
“Si-sige po. Pero pwede po ba akong umalis sandali ng ospital? May pupunthan lang po ako?“
“Pwede naman, pero kelangan namin ang contact number mo para matawagan ka namin ano man ang mangyari.“
“So-sorry po sir, wala po akong dalang cellphone ngayon. Na-naiwala ko po ata nung ihatid ko ang biktima dito sa ospital. Sa katarantahan marahil ay naiwan ko o nahulog ko somewhere.“
“Ah ganun ba? Sige miss, ito ang isang cellphone. You need to carry this everytime para matawagan ka agad namin. Huwag na huwag mong papatayin ito dahil ikaw lang ang nag-iisa naming saksi sa nangyari.”
“Yes sir.”
“Ok. Hanggang dito na lang muna ang aming investigation. We’ll contact you for further details or questions.”
Pagsasadetalye ni Kathy.


“So ibig sabihin ay naging obligasyon mo na sya matapos ang aksidente?“


“Oo Ken. Pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko sayo. Ang pagpapakamatay mo. Kinaumagahan ay pumunta ako sa bahay nyo. Laking tuwa kong makitang walang burol na nagaganap sa tapat nyo. Ibig sabihin kasi nito’y buhay ka pa.”
“Muntik na Kathy, konting-konti na lang. Kundi lang dahil sa isang… Pero baket hindi ka tumuloy sa bahay.“ muntik ko na masabi ang aking mystery caller. Ayoko naman syang bigyan ng isipin pa na ipagpapalit ko na sya.


“Nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa mga pulis kaya agad akong napasugod sa prisinto...“
“Miss, as per our investigation. Lalaki ang may ari ng sasakyang naaksidete. Napaglaman din naming pinaghahanap na nga ito mula pa ng mawala kahapon. Malinaw na ngayon ang lahat na carnap ang naaksidenteng kotse.”
“Carnap ho? Wala naman po sa itsura nya ang carnaper. Pero ibig sabihin din po ba nito ay wala na po tayong tsansang malaman ang pagkakakilan-lan ng biktima ? Wala na rin chance na mahanap natin ang kanyang pamilya?“
“May mga pwede pa naman paraan miss, kaya lang it will still take time. Kaya ipagpaumanhin mong kelangan ka pa rin namin para sa ikalulutas ng akisidenteng ito.”
“Naiintindihan ko po.”
“Yung cellphone? Diba mo may cellphone yung biktima?” pagputol ko sa kwento nya.


“Oo, pero walang kahit ni isang tawag Ken, simula pa kahapon.”



Chapter 12

Ilang oras na rin ang lumipas ngunit wala paring ni isang doctor ang lumabas mula sa operating room. Nakatulog na rin sa tabi ko si Kathy. Pagod na pagod ito. Baket hindi ko sya nagawang maintindihan noon? Ganito na pala ang pinagdadaanan nya ngayon. Awang-awa ako sa babaeng mahal ko.

Nasa kasarapan pa ako ng pagtitig sa kanya ng mapansin kong bumukas na ang pinto ng operating room. Maya-maya ay may lumabas ng doctor.

“Kathy? Lumabas na si doc.” Pag-gigising ko kay Kathy.

Naalimpungatan pa si Kathy, ngunit ng makita nya ang doctor ay agad itong napabalikwas.

“Doc kamusta po?“ agad nitong tanong.


“Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya miss pero…hindi na nya kinaya ang situasyon. Napakarame ng dugong nawala sa kanya. I am sorry but patay na sya.”
Hindi man kaano-ano ay nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Kathy. Marahil ay dahil sinisisi nya ang sarili sa mga nangyari. Niyakap ko sya upang aluhin. Pero katulad nya ay ewan kung baket nakaramdam din ako ng panghihinayang at lungkot.

“Miss Kathy?“ pagbati mula sa nurse sa kanyang likuran.
“Dahil kayo po ang lumalabas na guardian ng biktima, sa inyo ko na rin po papipirmahan ang mga papers na ‘to. Pati po palang itong mga gamet nya ay i-turn over ko na po sa inyo.”


“Ah oo si-sige.”

Matapos i-sign ni Kathy ang mga papeles na nirequire ng ospital na pirmahan nya ay inaya nya akong pumasok sa loob ng kwarto ng biktima. Hindi ko naman ito kakilala kaya hindi na ako sumama sa kanya.
Kring Kring!! Kring Kring!!
Tinignan ko ang aking selpown. Muntik ko ng makalimutan ang misteryosang caller ko na ito. Tinatamad na sana akong sagutin ngunit naging mapilit ang bawat pagtunog nito.
Kring Kring!! Kring Kring!!
“Hello?” bungad ko ngunit walang sagot sa kabilang linya.


“Hello? Sumagot ka nga. Wala akong panahon makipagkulitan sayo, pagod ako ngayong araw na to.“
“Hello asan ka?” sagot ng nasa kabilang linya.


“Nasa ospital ako ngayon kaya saka ka na muna tumawag.”


“Sandali. Nasa ospital ka kamo? Nasa ospital din kasi ako eh.“


“Ha? Ano ba wala akong panahon sa mga biro ngayon.“


“Hindi naman ako nagbibiro, nasa ospital din nga ako ng Tanauan.“


“Ano? Sa Tanauan? Walang biro.“


“Wala nga.”


“San ka banda?”


“Nasa likuran mo.“


“Nasa likod ko? Huwag ka nga magbiro sabi eh.“


“Hindi nga ako nagbibiro.“
Pagkakasabi nya nito’y sya naman harap ko sa aking lukuran upang masiguro lang kung nagsasabi sya ng totoo. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

“Ka-ka-Kathy ikaw?“ pagtataka kong tanong ng makita ko syang may hawak ng selpown na nakatapat sa tenga. Mayayamot ba ako dahil pinagtripan nya ko o hindi dahil baka may dahilan sya kung baket nya to ginawa.

“Hindi ako Ken.“ Sagot nito

“Anong hindi ikaw?“ taka kong tanong.

“Hindi ko cellphone ito, cellphone nya.“ sabay tingin sa pintuan ng emergency room.


“Anong ibig mo sabihin? Niloloko mo ba ako?”
“Hindi Ken.” Sabay abot nya sa akin ng cellphone at iba pang gamit ng biktima. “Ibinigay yan sa akin ng nurse kanina. Alam ko at alam namin lahat dito na walang ni isang laman yang phone, kaya wala nga kame matawagan nung maaksidente sya. Laking taka ko na lang ng buksan ko ito, nakita ko ang dialed numbers nya, iisa lang ang numero. Sinubukan kong tawagan, baka kamag-anak nya ito. Nang sumagot ang nasa kabilang linya, nabosesan ko ito kaya napalabas ako ng operating room at hindi nga ako nagkamali, ikaw nga ang kausap ko mula sa kabilang linya. “

Hindi ako makapaniwala, kalokohan ba ang lahat. ”Paanong ang commatose na yun ang tatawag sa akin. Kanina lang ay kakulitan ko sya sa telepono at sabing pupuntahan ako sa shop. Nung magpapakamatay ako, sya yung babaeng tumawag sa akin at nagligtas… Hindi Kathy, hindi ako naniniwala sa mga multo o angels.”


“Hindi ko maintindihan, paanong kakilala mo sya? O paanong nakakapag-usap kayo, pero kung ayaw mo maniwala, maari mo syang tignan sa loob.”
Hindi ko na naisip sa oras na yun si Kathy at pinasok ang operating room. Nakita ko ang isang katawang nakatakip ng puting kumot. Dahan-dahan ko itong nilapitan. Kabado kong inalis ang nakatakip na kumot. Isang babaeng hindi na halos makilala dahil sa sama ng tama sa kanyang ulo ang aking nakita.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. “Totoo bang ikaw yan?” bulong ko sa sarili. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Naalala ko ang hawak kong gamit nya. Binuksan ko ang plastic at nakita ko mula dito ang isang duguang pulang bestida at isang basag na salamin. Lalo akong hindi mapaniwalaan, ngunit malinaw naman ang lahat. Sya nga ang kausap ko sa telepono ng dalawang araw na. Nakaramdam muli ako ng paninikip sa aking dib-dib ng maalala ko ang minsan sinabi nito sa akin...


“Minsan meron isang dapat mamatay para may isang mabuhay.”


-the end-













 Authors Note:

Salamat po sa lahat ng nagtyagang bumasa,senyo lahat ng papuri at palakpak.Kay boss Pula,dude salamat sa oras at panahon ng kulitan naten habang ginagawa itong istoryang ito.Hindi ko magagawa ito kung hindi dahil sayo,ikaw ang boss!!Apir,gang sa muli dude!!Much Love,Happiness sa lahat!!
xoxo



-thirdy aka Sobrangwaxxy-










No comments:

Post a Comment